Kabanata 28

67 6 3
                                    

"Kung nasa loob ka man please let me explain." Pakiusap na sambit ni Lucas


Tahimik lamang si Kevin habang siya ay nasa may pintuan. Gustuhin man niyang umiyak subalit pinigilan niya ito. Nanginginig naman ang kaniyang kamay habang hawak-hawak ang recorder tape


Makaraan ang ilang minuto, umalis na si Lucas. Nakahinga naman ng maluwag si Kevin. Tumayo siya at bumalik sa sofa upang muling makinig.


Kinagabihan sa dinner ng Pamilya Rodriguez at Pamilya Melendez. Ipinakilala na ang nakatakdang pakasalan ni Leonard.


"Leonard, this is my daughter Samantha Rodriguez." Pakilala ni Francesco


"Ciao! Leonard, im Samantha." Pakilala ni Samantha


"Ciao." Maikling tugon niya


"She grew up with her Filipina Nanny so she learned how to speak in your language" ani naman ni Winona


Tahimik lamang na uminom ng alak si Leonard habang pinagmamasdan si Samantha. Bakas sa kaniyang mukha ang hindi pagsang-ayon sa arrange marriage na ito.


"She looks familiar, parang nakita ko na siya." Sambit ni Leo sa kaniyang isipan


"What a small world" nakangiting sambit naman ni Samantha



"Leonard! May problema ba? Ngumiti ka nga!" Para kang naanunad ng isang bangkang tae!" Pabulong ng ina sa kanya


Napilitan siyang ngumiti, habang nagpupulong ang bawat pamilya, chineck ni Leo ang kaniyang cellphone ngunit kahit isang mensahe mula kay Kevin ay wala siyang natatanggap.


"Where is she?" Tanong ni Leo sa kaniyang isipan


"Why not next month?" Ani ni Lucia


"Yes that's a good idea" tugon naman ni Francesco


Subalit hindi sumang-ayon si Leonard


"No! It's too early!" Pagpigil ni Leonard


"Why? Leo? Do you have someone who might not be happy with our wedding? In fact.. The more na patagalin pa natin ito, the more na mamumulubi ang kompanya niyo." Tugon naman ni Samantha


"Yes my daughter is right! We need to arrange this marriage as soon as possible!"ani naman ni Winona


Hindi na umimik pa si Leonard. Hinayaan na lamang niya na sila na ang masunod sapagkat wala na siyang magagawa. Pangalan ng kompanya nila at ng bago niyang ipinapatayong hospital ang nakasalalay dito.


"So March 4 is the final date of your wedding. Weather you like it or not, we will continue this." Ani ni Francesco


Napabuntong hininga si Leo ng ianunsyo ng ama ni Samantha ang petsa ng kanilang kasal. Matapos ang pag-uusap na iyon, tumayo siya at nagpasyang lumabas upang magpahangin.


"Please excuse me!" Ani ni Leonard


Naglakad siya palabas at kinuha ang kaniyang cellphone at sinubukang tawagan si Kevin.


"Pick up the phone sweetie..." ani niya


Habang nasa may kanang tenga niya ang cellphone, may isang malambing na boses naman ang bumulong sa kaliwa niyang tenga.


"Hello future husband" malambing na bulong ni Samantha


Sinagot ni Kevin ang tawag.


"Yes sweetie??" Ani ni Kevin na bakas ang boses mula sa pagkakaiyak


"Sweetie??" Muling ulit niya


Hindi umimik si Kevin at pinakinggan niya ang nasa kabilang linya.


" i can't wait to be your wife." Ani ni Samantha


Nanlambot si Kevin sa kaniyang narinig. Pinatay niya ang kaniyang cellphone at napabagsak ang kaniyang kamay.


"Wife???" Nahihikbing sambit niya


"Ikakasal si Leo kaya siya nagpunta ng Italya?" Tanong niya habang nanginginig ang boses


Napahaplos siya sa kaniyang mukha at kasunod noon ang isang pagbagsak ng mga luha. Luha ng panibagong kabiguan. Mas lalo pang nalugmok sa skit na nararamdaman si Kevin. Pinunas niya ang kaniyang luha, humarap siya sa salamin at nagsalita.


"Ito na ang huling beses na luluha ako." Sambit niya na bakas na bakas ang pagkapoot.


Winasak niya ang kaniyang cellphone, laptop, at maging ang kaniyang mga social media account at kaniyang ideneactivate na rin. Sa madaling salita, wala ng rason upang siya ay matawagan ng kahit sino.


Lumipas ang mga buwan, naganap na ang unti-unting pagbabago sa pangangatawan ni Kevin. Pinanindigan na niya ang paggamit sa katauhan ni Katarina Rodriguez maski pa ang lahat ng mga dokumento na meron siya.


Umusbong na rin ang kaniyang mga dibdib na mas nagbigay pa sa kaniya ng kakaibang alindog. Mga kulot na buhok, maninipis na kilay at ang mapupulang labi.


"Katarina" sambit niya habang nakatingin sa salamin


Nagtungo si Katarina sa tanggapan ng Diyaryo at doon nagbigay siya ng malaking halaga upang ipakalat ang pagkamatay ni Kevin Lopez. Hindi nagtagal, naging laman ng balita si Kevin Lopez.


"Sandra! Si Kevin..." humahagulhol na sambit ni Paula


"Ang kaibigan natin. Wala na siya.! Napaka walang hiya naman ng gumawa nito sa kaniya." Sambit ni Sandra habang umiiyak


Nakita ni Lucas ang balita sa telebisyon, pinakinggan niya ito at hinidi siya makapaniwala sa sinapit ni Kevin


"Isang transgender patay matapos matagpuan sa kaniyang condo unit.


Natagpuang patay ang isang transgender dito sa barangay Francisco, na kinilala bilang si Kevin Lopez, isang architect at tinatayang nasa edad 29. Nagtamo ang biktima ng labing anim na saksak, ayon sa pulisya, nanlaban pa umano ang biktima sapagkat may hawak itong patalim, nalimas naman ang kaniyang mga gamit at kotse subalit ang mas karumaldumal ay pinagsamantalahan pa ang biktima at matapos itong patayin ay saka ito sinunog.

Nag-uulat,
Maritess Catacutan,abc-cba news


Nanguyom ang mga kamao ni Lucas matapos marinig ang balita. Nagmadali siyang nagtungo sa opisina upang kumustahin ang lagay nina Paula at Sandra.


"Good Job! Maritess, maaasahan ka talaga!" Nakangiting sambit ni Katarina



_____________
🖤🖤🖤comment.vote.share🖤🖤🖤
🖤🖤🖤

🖤 Thank You 🖤

KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon