Kabanata 44

58 6 1
                                    

Nagpakunwari naman na walang alam si Lucas sa namamagitan kina Leonard at Samantha. Umakto lamang itong normal na nagtatanong bilang isang nobyo.


"Hindi naman, kakarating ko lang din, ang tagal mo kasi. Biglaan ka na lamang bumaba." Ani ni Lucas


"Ah buti naman kung ganun. Pasensya na hindi na ako nakapagpaalam pa." Tugon ni Samantha


Hindi na ito binigyang pansin pa ni Lucas, bagkos ay pinuna niya ang kausap ni Samantha.


"Ikaw Dr. Melendez ano ang ginagawa mo dito? Ikaw ba ang bagong client ng nobya ko?" Tanong ni Lucas


Inakbayan naman ni Lucas si Samantha habang nakangiting nakatingin kay Leonard


"Ah yes.. ako nga. Hindi ba nasabi na sayo?" Tanong ni Leonard


Umalis sa pagkaka-akbay at lumapit ng konti kay Leonard si Lucas.


"Good! So you have a new project with her.. so paano naman yung project mo with the late Kevin Lopez?" Tanong ni Lucas


Nagkatinginan ang dalawa nina Samantha at Leonard.


"Honey... tuloy pa din ang project, in fact sinisimulan na ito hindi ba Dr. Melendez?" Singit naman ni Samantha


"Ah yes it's continuously kahit nawala na si Kevin, but it sad to hear." Tugon ni Leonard


Napatango na lamang si Lucas habang nagpipigil ng galit.


"Kung maka Kevin? Parang hindi minahal.. sa bagay pinaglalaruan nga lamang pala nila si Kevin.." sambit niya sa kaniyang isipan


"Let's go.. honey.." ani ni Lucas


Hinawakan niya ang kamay ni Samantha at saka umalis. Wala ng nagawa pa si Samantha kung hindi ang sumunod.


"Napakahambog mo Lucas!! Kapag hindi ka nanahimik isusunod kita" pagbabanta sa isipan ni Leonard


Pagdating sa loob ng hotel, nahiga si Lucas sa kama. Nagtaka na lamang siya na kung bakit ang tagal lumabas sa banyo ni Samantha.


Lumapit siya sa may pintuan at narinig niyang nagdudual ito. Nagtaka siya kung bakit at paano?


"Buntis siya? Paano? Ang tagal naman naming hindi nagkasama. Si Leonard ba?" Tanong sa isipan ni Lucas


Habang nag-iisip tumunog naman ang cellphone ni Samantha. Lumapit si Lucas at tiningnan ito.


"Mag-ingat ka kay Lucas, hindi ko gusto ang tabas niya" mensaheng mula kay Leonard


Habang hindi pa lumalabas si Samantha, binuksan ni Lucas ang notes nito. Nakita niya rito ang mga importanteng dokumento.


"Ano ito?" Tanong ni Lucas ng makita ang isang video


Ipinasa niya ito kaagad sa kaniyang email, at pagkatapos na maipadala ay kaniya kaagad itong binura sa sent items. Nang ramdam niyang palabas na si Samantha, nagmadali naman siyang bumalik sa kama.


KatarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon