"Narda? Narda!"
"Huh? Who's calling me?"
Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko. Saka ako may nakitang babaeng nakasuot ng blue na gown.
"Huh? Bakit nandito ulit ako? Hindi ba mansyon 'to na pinasok namin?"
Takang-taka ako. Bakit ako napabalik dito? Ah! Panaginip marahil 'to! Hindi ko lang alam kung ano'ng purpose bakit bumalik ulit ako dito.
"Narda? Narda!"
Tawag ulit ng babae. Kaboses n'ya 'yong babaeng palagi kong napapanaginipan dati pero hindi ko nakaklaro ang itsura hanggang ngayon.
"Sino ka? Bakit andito ka din sa party?" Tanong ko sa kanya.
Lumapit s'ya sa akin sa may pool kung saan ako nakatayo. The same spot bago ako tinawag ni Noah para papasukin na ulit sa loob.
"Hinahanap kita, matagal na. Gusto kitang makita, makausap."
"Totoo? Bakit? Kilala mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.
Sinipat ko ang kabuuan n'ya. Oo nga! May nakita nga akong babaeng ganito ang suot sa party. Napansin ko s'yang naglalakad-lakad sa kabuuan ng sala at pinapanood ang iba't ibang sex scenarios. Pero hindi s'ya nakisali sa kahit na alinman dito. Palakad-lakad lang s'ya na sa wari ay nagmamasid-masid lang din sa paligid kagaya ng ginagawa namin ni Noah.
"Palagi kang laman ng panaginip ko, Narda. Hindi ko inaasahang magkikita tayo dito."
"Ako? Laman ng panaginip mo? Hindi ba nananaginip nga rin ako? Bakit laman ka rin ng panaginip ko?"
"Maaaring pinagtatagpo tayo ng tadhana sa panaginip, Narda."
"Para saan? Hindi naman kita kilala. Wala din naman siguro akong atraso sa'yo sa nakaraan ko. Teka! Totoong tao ka ba? O isa kang multo na pumasok sa panaginip ko para gambalain ako?"
"Totoo ako! Hindi ako multo, Narda."
"Kung totoong tao ka, bakit sa panaginip ka lang nagpapakita? Bakit hindi ka magpakita sa totoong buhay?"
Dahan-dahan n'yang tinanggal ang maskara n'ya.
"Re-regina?! Regina Maxine Vanguardia?" Nagulat ako ng mapagsino s'ya.
"Kilala mo nga ako, Narda. Pero paano? Kung kilala mo talaga ako, hanapin mo ako, Narda. Hanapin mo ako!"
"HAH!" Napabalikwas ako ng bangon. Napasandal nalang ako sa headboard ng kama habang inaalala ang panaginip ko.
"Imposibleng nasa party ka din na 'yon, Max. Hay! Sa sobrang pag-iisip ko sa'yo dahil hindi kita nakamusta ilang araw na dahil sa trabaho ko, naassociate pa kita sa kaso na 'to. Napanaginipan na tuloy kita. Kamusta ka na kaya?"
Kinuha ko ang cellphone ko saka idinial ang number ni Regina. Ring lang ng ring ang cellphone pero wala akong nakuhang sagot.
Maya-maya ay tumunog ang message alert ng cellphone ko.
"Stop calling me, Narda! I don't want to be associated with you anymore! Nang dahil sa'yo, dahil sa kakasunod ko sa'yo, kamuntik na akong mapahamak! Kamuntikan na akong mamatay!"
"So totoo nga talaga na nasa party ka gaya ng nasa panaginip ko. Pero bakit sabi mo sinusundan mo ako? Bakit hindi ka nalang magpakita at magpakilala kaysa sundan mo ako? Are you stalking me? Why? Am I at fault to you?" Reply ko sa message n'ya.
Ilang minuto kong hinintay ang reply n'ya pero hindi na s'ya sumagot pa sa tanong ko.
Nagbeep ulit ang message alert ng phone ko. Agad kong binasa ang text sa pag-aakalang si Maxine na ang nagreply.
BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanfictionA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...
