"Uy! Custodio! Wazzup!?" Bati ni Noah na nakaupo sa ibabaw ng lamesa pagpasok ko sa office.
"Hindi upuan ang mesa, Vallesteros. Kalalaki mong tao, chismoso ka." Inirapan ko s'ya saka dumiretso sa table ko.
"Uy! Uy! You're accusing me of something without evidence, Miss Custodio. Hindi ako chismoso no. Kamusta na kayo n'ong ex mong under ka? 'Yong ang tikas mong pulis pero ang hina mo pagdating sa babaeng 'yon. Nagpapabugbog ka pa nga eh mas malakas ka naman ng 'di hamak. Hindi ko nga maarok kung bakit mahal mo 'yon ng sobra eh mas maganda ka pa doon." Umupo ito sa swivel chair sa harap ng mesa ko.
"Maarok amp! Lalim ng tagalog. At 'di ka pa chismoso sa lagay na 'yan ha? Sa haba ng lintanya mong 'yon, Vallesteros? Saka pakialam mo ba sa personal life ko? Walang ganoonan. Baka ikaw pa masapak ko."
Tawa ng tawa ang animal saka nagdrum roll pa gamit ang kamay sa mesa.
"As if ikaw hindi ka rin nagpapaunder sa mga naging jowa mo. Let me remind you, may video pa ako ng pagngawa mo ng nagbreak kayo ni Tricia. Kaya tigilan mo ako kung ayaw mong ipagkalat ko 'tong video mo."
Napasimangot naman ito sa sinabi ko.
Kahit ganito kami ni Noah, I consider him my boy bestfriend. Mas kilala pa n'ya ako ngayon kaysa kay Mara. Si Mara na walang alam sa totoo kong trabaho.
"Wala talaga akong kawala sa'yo, Custodio. Saka bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? Ang aga aga highblood ka agad. Smile naman d'yan. Alam ko na, hindi ka naka get laid no? I told you, tawag ka lang, i'm free anytime."
Tawanan ang mga kasamahan namin dahil nilakasan nito ang boses sa mga huling sinabi nito.
"Heh! Kahit siguro tigang na tigang na ako, never kong maiisip na tawagan ka. Hindi kita type!"
"Wala ka pala, Vallesteros! 'Di ka talaga papatulan n'yang si Custodio." Kantyaw sa kanya.
"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita, Custodio. Hindi ba ako gwapo sa paningin mo?"
Actually, gwapo naman talaga si Noah. He's on his late 20's pero mukhang kaka 20 lang. Macoconsider na tall, dark and handsome dahil sa may pagkamoreno, matikas at matangkad. He's a good catch at pwedeng pandisplay na jowa. Pero bakla ako, at parehas kami ng type. Babae din ang gusto ko kaya hindi ako maaattract sa isang 'to kahit na kailan.
"Trapo ba kamo?"
"Custodio!" Napapalatak na ito.
Gustong-gusto nito ng papuri mula sa mga tao sa paligid nito pero hindi ko ibibigay sa kanya ang satisfaction na 'yon.
Tumayo na ako saka tinapik s'ya ng folder sa balikat. "We're here to chase criminals not get compliments."
Nagpatiuna na akong naglakad papunta sa opisina ng superior namin. Nakasunod lang s'ya sa akin pero ramdam ko ang mga mata n'yang pinagpapantasyahan na naman ang backside ko.
"Sa tamang lugar lang ang mata, Noah. Baka matusok ko 'yan."
Tawa lang ang isinagot n'ya saka tumabi na sa akin sa paglalakad.
"Can't help it. You have a nice booty, Narda. Nakakaulol."
Hindi ko nalang s'ya pinansin saka pumasok na sa opisina ng superior namin ng papasukin na n'ya kami matapos kong kumatok ng ilang beses.
"Good morning, sir." Sumaludo kami sa kanya.
"Vallesteros, Custodio." Iminuwestra n'ya kaming maupo sa mga upuan na nasa harap ng table n'ya.
"Ano'ng balita sa kasong hawak n'yo?" Tanong nito.
"As i've reported, sir, may bago na namang biktima ang tinutugis naming sindikato. Parehas na parehas ng way sa pagpatay kaya sigurado akong sila na naman ang utak sa likod sa pagkamatay ng anak ni Congressman."
BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanfictionA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...
