Chapter 44: Talithi

98 7 14
                                        

"Narda, ang tagal mong 'di nagpakita sa 'kin ha? Kala ko nasuffocate ka na sa gitna ng dede ng mga babae mo." Naiinis na salubong ni Mara sa kanya matapos s'ya nitong makitang papasok sa museum kung saan ito nagtatrabaho as an executive assistant.

"Bibig mo, Mara, uy! Nasa trabaho ka pa man din. Act professional when needed, uso 'yon."

"Alam mo ikaw, kung 'di lang kita bestfriend, iisipin kong nanay kita. Talo mo pa si mama manita eh." Sinamaan s'ya nito ng tingin.

"Eh ikaw na nga itong binisita, pinagtitripan mo pa ako. Oh, ito, ibinili kita ng pagkain. Alam ko namang pinapunta mo lang naman ako dito kasi magpapalibre ka." She pushed a brown bag towards Mara who's standing behind the reception desk.

"Sira! Hindi no. Gusto ko lang sanang samahan mo ako sa exhibit opening."

"Hmmm? Exhibit opening?" Ilang linggo na nga silang 'parang exclusively dating' ni Regina pero ni minsan ay hindi pa s'ya nakapunta sa kahit na anong exhibit kasama ito... hindi n'ya pa napapasok ang mundo nito. Bukod kasi sa pagiging model nito at sa mga nakikita n'yang paintings na nakasabit sa wall ng bahay nito, ni wala s'yang masyadong alam tungkol sa paintings or sa art. Pero naaappreciate naman n'ya ang kagandahan ng mga obra ni Regina. "Talented at sobrang dedicated talaga 'yong babaeng 'yon pagdating sa art n'ya and I admire her for that."

"Ah yes. Sa ilang taon nating pagiging magbestfriend ni hindi pa kita nayayaya kahit once na pumasok dito sa museum. Naisip ko lang kanina na why not yayain kita ngayon ng makapagbonding at makapagcatch up naman tayo. Ilang linggo na rin kasi kitang hindi nakikita. Busy ka doon sa babaeng 'di mo pa naipapakilala sa akin."

Hinayaan na muna n'yang tapusin ni Mara ang sinusulat nito at naupo sa couch 'di kalayuan sa reception desk.

"Eh saka na. Kapag okay na lahat. Pero sige sasamahan kita sa exhibit na 'yan since namiss ko rin namang makipagchikahan sa'yo. Magjowa ka na kasi ng hindi na ako ang palagi mong isinasama sa mga lakad mo."

"Kung kasing gulo lang din ng lovelife mo ang magiging lovelife ko, I think i'll pass." Sabi ni Mara sabay sarado sa notebook na sinusulatan kanina.

'Tss! Binanatan mo pa talaga ako ng pasimple ah. Pero nagtitino na ako, Mara. I'm trying to be a one-woman woman now."

"Wow! Iba na 'yan ha? Parang need ko na talagang makilala kung sinuman 'yang nagpapatino sa'yo ngayon at ng mapasalamatan. Aba ilang taon akong nastress sa lovelife mo, mare." Mara is now retouching her make-up.

"Tss! Saka na nga. Busy yata s'ya ngayon at may inaasikaso. Ilang araw na nga rin kaming hindi nagkikita. Ni hindi nga nagpaparamdam kahit sa text manlang." Narda answered as she flip through the pages of a magazine she found on the rack beside the couch.

"Hala! Baka ginhost ka na? Mukhang kinarma ka na rin sa wakas, dude."

"Ang oa! 'Wag mo nga akong pinag-ooverthink! Tsss! Kainin mo na muna kaya 'yang dinala ko? Hindi pa naman magsisimula 'yong exhibit 'di ba?"

"Actually on going na sa second floor gallery ngayon. Sadyang hinintay lang talaga kita bago umakyat. Saka for sure may paspeech pa muna 'yong painter saka 'yong mga important guests n'ya. Andoon yata si Mayor saka si Congressman. Alam mo naman kung gaano ako kaallergic sa mga gov't officials na 'yan. Wala lang akong choice kasi 'di naman kami 'yong namimili ng guest na iniinvite ng mga artists na nag-eexhibit dito."

Napailing nalang s'ya sa explanation nito habang nag-aapply ng liptint.

"Itatabi ko nalang muna 'yang pagkaing dinala mo para sa akin. Ibibreakfast ko nalang 'yan bukas."

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon