"Bakit hindi mo kaagad ako tinawagan kahapon, Noh? May lead ka na pala sa kaso."
"Bakit ang init kaagad ng ulo mo, pre? Meron ka ba?"
Sinamaan n'ya ito ng tingin. She had had one of the best sleep her whole life... and that's sleeping beside Regina.
She wanted to wait for Regina to wake up pero nag-iwan nalang s'ya ng note sa bedside table nito bago s'ya umalis since pinagmamadali s'ya nitong si Noah.
"Saan ba talaga tayo pupunta ha?" Pag-iiba n'ya sa usapan. Noah's car is heading south at hindi pa sila nagagawi sa dakong 'yon since naging partners sila sa trabaho.
"Kay Luna."
Napatingin s'ya sa gawi nito. Oo at marami s'yang katanungan kay Luna pero marami pa silang dapat unahing trabaho kaysa sa puntahan ang babaeng 'yon.
"Hayaan mo na muna s'ya, Noah. May mas mahalaga pang bagay kaysa sa kanya. Unahin natin ang kaso pwede? Akala ko ba may lead na tayo? Wala pa akong nakukuha kay Regina." Ibinaling n'ya ang tingin sa labas ng bintana.
"Wala pa o wala talaga? Wala kang balak komprontahin s'ya no? Let me remind you lang, Narda. Kaya ka nasa bahay n'ya kasi suspect mo s'ya pero hindi yata't maiinlove ka na sa kanya."
Napabuntong-hininga si Narda. "Kokomprontahin ko na dapat ngayon kung hindi mo lang ako maagang binulabog."
Napakunot ang noo n'ya ng marinig na tumawa si Noah. "Bading! Halatang napipilitan ka lang. Palit kaya muna tayo ng assignment? Ako muna kaya ang maging model ni Regina? Tutal ang ganda rin naman ng katawan ko."
"Ang kapal ng mukha mo! Suntukan nalang kaya tayo, Noah?"
Tinatawan lang ulit s'ya nito bago sumeryoso. "I think I found our suspects. May kutob ako na 'yong mga nakasunod kay Luna ay may malaking kinalaman sa kasong hawak natin. Natatandaan ko ang mga mukha nila. Sila 'yong dalawang goons na nagdala ng mga babae sa mansyon ni Beast. Nakita ko sa surveilance camera ang mukha nila."
"So wala talagang kinalaman si Regina?" Biglang umaliwalas ang mukha n'ya. Malaki ang pag-asang hindi miyembro ng sindikato si Regina.
"Hep! Suspect pa rin natin si Regina, pre. 'Wag kang masyadong matuwa. Pero unahin na muna natin 'yong sumusunod kay Luna. Bakasakaling may makuha tayong impormasyon sa kanila."
"Bwisit ka talaga kahit kailan, Vallesteros!"
"Bading ka lang Costudio! Ipanalangin mo nalang na hindi kriminal 'yang prospected jowa mo. Kapag nagkataon, ikaw pa ang huhuli d'yan or worst ikaw pa 'yong papatay sa kanya."
"Sige mang-asar ka pa. Unahin kitang patayin d'yan eh."
Napahalukipkip na lamang si Narda.
Paano nga kaya kung totoong kasabwat ng mga serial killer si Regina? Ano'ng gagawin ni Narda sa kanya? Isusuko kaya n'ya si Regina o itatakas n'ya?
"Narda, bading!
"Heh!"
.
.
.
"Andoon si Luna sa bundok na 'yon pero hindi tayo basta-bastang makakaakyat d'yan. May kuta ng rebelde d'yan at maaaring doon nagtatago si Luna."
Dala ang kanya-kanyang baril na isinuksok nilang pareho sa mga pantalon nila, pasimple silang bumaba ng sasakyan at lumapit sa may tindahan.
"Magandang umaga ho. Pabili po ng softdrinks. Halika, babe, pahinga muna tayo dito. Nakakapagod magmaneho." Kinindatan s'ya ni Noah sabay pasimpleng itinuro ang dalawang lalaking nakatambay din 'di kalayuan sa tindahan na kinaroroonan nila.
BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanfictionA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...
