"Pssst! Over here!"
Napalingon ako sa gilid ng pinto kung saan kumakaway si Luna. Kanina pa ako paikot-ikot sa paghahanap sa kanya pero hindi ko s’ya makita.
"I’m happy that you’re safe. Akala ko napaano ka na. Come on. Follow me! I brought you something."
"Sige. I’ll just sneak behind you. Mauna ka na." Mahinang bulong n’ya.
Tumango lang ako at dumiritso na sa paglalakad papunta sa likod ng mansyon kung saan ko iniwan ang damit na nakita ko sa wardrobe sa isa sa mga kwarto sa itaas. Medyo nahirapan lang akong ilabas ito sapagkat madaming bantay sa paligid. Naghanap pa ako ng tyempo para maitakas ‘to.
"Wear those. I hope it will help."
"Ang galing mo! Pwede nga akong magdisguise na parang isa sa mga bisita para hindi ako mamukhaan ng mga armadong lalaking ‘yon." Aniya habang isinusuot ang gown at ang maskara na dinala ko para sa kanya.
"That’s the least I can do for you. Hindi din naman kasi kita matutulungang makatakas dito sapagkat maski ako hindi din alam kung paano akong lalabas."
Napatingin s’ya sa akin. "Bakit ka ba nandito?"
Nagpalinga-linga ako sa paligid para siguraduhin na walang makakita sa akin na nakikipag-usap sa kanya.
"I was commissioned to make an artwork for the owner of this mansion. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang dadatnan ko dito, ni hindi ko alam na ganito pala kahigpit dito. Hindi ako pwedeng makaalis ng basta-basta kahit pa pilitin ko."
"Salamat pa rin. I’ll take it from here. Didiskartehan ko nalang din kung paano ako makakaalis dito. Balik ka na sa party. Salamat sa tulong, Maxine."
"Goodluck sa pagtakas, Luna. Hoping for your safety." Bumalik na ako sa loob at umaktong parang walang nangyari.
Wala pang ilang minuto, nakarinig ako ng pagsabog. Pagsabog na nanggaling mismo sa likod ng mansyon kung saan ko iniwan si Luna.
"Ghad! I hope hindi s’ya nahuli ng mga bantay."
Pero sunod-sunod na mga pagsabog na ang umalingawngaw sa paligid. Nagsitakbuhan at nagpanic na ang mga guest. Habang ako, parang naistatwa sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw.
Nakikita ko ang kaguluhan sa paligid. Para lang akong nanonood ng pelikula habang nakasuot ng 3D glasses. I’m untouched, unharmed but a part of the scene.
Nabasag ang salamin sa harap ko, saka iniluwa mula sa loob n'yon ang isang babae.
I remember her. S’ya ‘yong babaeng kamuntik ko ng lapitan sa may pool bago dumating ang kasama n’yang lalaki. And he call her 'Narda' which I assume is her name.
"Narda!" I shouted to get her attention from a river of screaming and panicking bunch of people.
I saw the same man grab her hand and they run together for safety.
Susundan ko dapat sila pero hindi ko nagawa. May humawak na rin sa kamay ko.
"Dito ka lang, ma’am. Poprotektahan ka namin."
May mangilan-ngilan na nakatuxedo ng puti ang pumalibot sa akin para manatili akong safe.
"What’s happening?" I ask.
Pero wala ni isa mang sumagot. Nakatutok lang ang mga baril nila sa kung saan habang sinisecure ng iba ang paligid ng mansyon.
Maya-maya pa ay may lumabas na lalaki mula sa kwartong salamin na nilabasan ni Narda. Sapo-sapo nito ang mukha. Puno ng dugo ang mukha n’ya at kahit wala na s’yang maskara hindi ko pa rin s’ya mamukhaan.

BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanficA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...