Chapter 47: An ending they deserve

55 6 0
                                        

"Iwanan mo na nga lang 'yang babaeng 'yan d'yan, mas gusto kong pagtripan si Custodio kaysa d'yan ngayon. Akala ko kapag nakakuha tayo ng bagong biktima makakalimutan ko na 'yong inis ko, hindi pala. Mas lalo lang akong nanggigigil! Masyado na s'yang masaya. Ni hindi umubra ang paggamit natin sa ex-girlfriend n'yang si Ara para paghiwalayin sila ni Regina Maxine."

"Abay' sayang naman, dalhin na natin sa hide-out. Laman tiyan din 'to, Jj."

"Gusto mo bang lalong uminit ang ulo ko sa'yo, Em? Hindi umubra 'yong plano kasi putangina 'yang Regina Maxine Vanguardia na 'yan! Bakit okay lang sa kanya na nagsekreto si Custodio sa kanya? Bakit pinatawad n'ya agad? Bakit hindi manlang s'ya nainis!?"

"Oo nga. 'Di ba sure na sure kayo n'ong Ara na gagana 'yong plano n'yo? Sayang naman din 'yong babaeng 'yon at tinegi mo lang ng ganoon-ganoon nalang. Ni hindi na natin napakinabangan at basta mo nalang itinapon sa ilog. Maganda pa naman saka sexy rin."

"Kaso may pagkatanga! Sinabi ko 'yong sekreto ni Custodio doon para magkasira sila ni Regina Maxine pero kulang sa paggatong ang gaga. Hinayaan pang maglandian 'yong dalawa sa harap n'ya, nagmakaawa pang balikan s'ya. Nagmukha tuloy s'yang disperada. Ang engot n'ya! Tangina! Tara na nga."

"Teka lang naman. Itatali ko lang ng maayos 'tong babae sa likod tapos lalagyan ko ng busal para hindi makapag-ingay."

"Sabing itapon mo nalang 'yan eh!"

"Ibalato mo nalang sakin 'to, Jj."

"Tanginang libog kasi 'yan, Em! Sige na! Bilisan mo na d'yan at ng makabalik na tayo sa hide-out."

...

Ipinasok ni Em ang sasakyang kinalululanan nila sa isang abandonadong amusement park. Dito sila madalas naglalagi ni Jj pagkatapos nilang pumatay at mangrape ng babae. Dito nila itinatago ang mga sasakyang ginagamit nila sa pangingidnap kaya kahit pa matandaan ng mga saksi ang sasakyang gamit nila ni hindi ito makikita kung saan-saan nalang.

Aksidente nilang nahanap ang lugar na ito ng isang beses may narape sila ito dito sana nila itatapon ang bangkay ng babae matapos nilang patayin. Masyado ng mataas ang mga talahib sa lugar at malayo ito sa mga kabahayan kaya't ideal na pagtaguan ang lugar na ito. Ni walang nangangahas na pumasok dito liban sa kanila. At kung meron man kaagad nilang hinahatid sa impyerno ang kung sinumang mahuli nilang pumasok dito kung kaya't nanatiling sekreto at malaya silang gawin ang gusto nila sa lugar na ito.



"Putangina! Kung minamalas ka nga naman!" Sunod-sunod na pagpaputok ng baril ang ginawa ni Jj dahil sa galit.

"Bakit, Ji?" Humahangos na pumasok si Mm sa bodegang kinaroroonan n'ya.

"Tingnan mo! Wala na si Vallesteros sa pinagtatalian natin sa kanya!"

Ilang araw na nilang ikinulong si Noah sa bodegang 'to. Plano nila itong gamitin para mapapunta si Narda Custodio sa lugar na 'to ngunit parang hindi na pupwede ang ganoong plano since wala ng Noah na pwede nilang magamit.

Naalala pa n'ya ang gabing napansin nilang sinusundan sila ni Noah.





***
"Hanapin mo ID n'yan sa bag n'ya. Iuuwi natin 'yang babae sa kanila." Utos ni Jj kay Mm na nakaupo sa likod habang kandong ang walang malay na dalagita. Patuloy lang sa pagdrive si Jj habang nakatingin sa sasakyan ni Vallesteros na kanina pa n'ya napapansin na sumusunod sa kanila.

"Ha? Bakit? Takam na takam na ako, Ji."

"Nakasunod si Vallesteros sa atin. Mukhang pinagdududahan tayo. Gusto mo bang mahuli nila tayo?"

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon