Somewhere in the Visayas, year 1969
Disclaimer: What was written on this chapter is pure fiction. The topics being tackled isn't written to influence anyones belief and ideology. It doesn't reflect my own stand on politics and the like as well.
"Ka Juli, nakabalik na ang mga inutusan mo sa bayan." Tawag mula sa labas ng kubo n'ya.
"Kamusta ang lakad, Manuel?" Kaagad n'yang bungad matapos lumabas ng sariling kubo. Bitbit sa balikat ang mataas na kalibre ng baril, hawak sa isang kamay ang tasa ng kape at sa kabila ay isang peryodiko.
Nakalaya na marahil sa kamay ng mga Espanyol, Kastila at Amerikano ang bansa ngunit heto't may hawak na naman silang mga sandata, naghahanda sa pakikipaglaban laban sa kapwa pilipino, laban sa mga opisyal sa gobyerno. Nag-aaklas para sa layuning maging patas ang batas para sa lahat. Layuning masiguradong maibigay sa normal na Pilipino ang mga karapatang nararapat para sa kanila at maging boses ng mga mahihina at walang kapangyarihan. Tagasigaw upang naririnig ng sariling gobyerno ang hinaing ng sambayanang pilipino na madalas ay naisasantabi at ipinagwawalang bahala.
"Iilan na lamang kaming nakabalik, Ka Juli. Maraming nalagas sa hanay natin. Ang kabutihan lamang ay napatay rin namin ang karamihan sa nakaengkwento sa amin sa dakong timog at nakuha pa rin namin ang lahat ng inutos mong kunin." Nakalatag sa kawayang mesa ang iilang matataas na kalibre ng baril, mga bala, mga granada at supply ng pagkain. "Mas marami pa sana iyan kung hindi kami natambangan."
Napabuntong hininga s'ya saka napailing.
Alam na ni Julia ang ibig sabihin n'yon. Nadakip at napaslang na nga ng mga alagad ng batas ang iba nilang miyembro, nabawasan pa pati ang supply nila ng pagkain at armas.
"Pasalamat na lamang tayo at nakabalik pa kayo. Kayo'y magpahinga na. Ako na ang bahala sa iba. S'ya nga pala ako'y maagang aalis kinabukasan. Pupuntahan ko si Kumander Lito sa kabilang bayan."
"Ka Juli..."
"Kailangan natin ng dagdag pwersa, Manuel. Hindi maaaring hanggang dito na lamang ang ating pakikipaglaban."
"Kami na ang bababa, Ka Juli. Masyadong delikado para sa'yo ang pagbaba sa bayan."
"Maaaring wala pa silang alam tungkol sa pagkatao ko, Manuel. O kung meron man, kaya ko na. Ako na ang bahala sa sarili ko."
"Pero..."
"Sakali mang ako'y hindi nakabalik sa makalawa, ipagbigay alam mo kaagad kay Ka Eda. Naihabilin ko na kayo sa kanya."
"Ka Juli, para mo na ring sinabi na naihanda mo na ang iyong sariling maaaring hindi ka na makakabalik kapag ikaw ay lumisan na mula rito sa ating kuta."
"Ako'y nakahanda lamang sa lahat ng posibleng mangyari, Manuel. Hindi natin hawak ang ating kapalaran."
"P-pupwede pang bumalik tayo sa bayan. Maging ordinaryo na lamang ulit."
"At ano? Sasayangin natin ang sakripisyo ng mga nagbuwis ng buhay? Manuel, tayo'y mga ordinaryong magsasaka lang din naman noon. Ngunit ano'ng ginawa nila? Lalo na ng gahamang gobernador na 'yon? Tayo'y inagawan nila ng lupa't pinagpapatay ang ating mga angkan. Pupwede tayong bumalik sa dati nating trabaho't mga bahay, oo, posible. Pero makakasigurado ba tayo na hindi na nila uulitin ang panghahamak sa atin? Makakasigurado ba tayong hindi na nila papatayin ang isa man sa atin? Hindi na maibabalik ang dati nating buhay, Manuel."
Natahimik na ito at napayuko na lamang.
"Maski ako takot rin namang mamatay, Manuel. Ngunit tayo'y may ipinaglalaban. Kung hindi tayo lalaban, sino ang lalaban para sa atin? Para sa kapayapaan?"
BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanfictionA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...
