Chapter 34: Shower, show her

101 9 17
                                        

"Hmmm? Hello? Bakit ang lulungkot ng mga mukha ng mga nakasalubong kong babae sa hallway, Narda?" Kaagad na tanong ni Mara matapos kumatok sa nakabukas naman nang pinto.

Nailing nalang s'ya habang patuloy na nagtatype sa computer n'ya.

"Chismis ba ang ipinunta mo dito, Mara?"

"Sino ba ang nagpapunta sa 'kin dito ngayon ha?" Nakapameywang na tanong ng bestfriend n'ya.

"Ako nga pero pinapunta kita hindi para makichismis, Mara. Yayayain kitang lumabas ngayon. Bonding naman tayo. Matagal na nating hindi nagagawa 'yon 'di ba? But to answer your question, I just had an early lunch with the girls I flirted with this past months."

"Hanep! Pinagsabay-sabay mo na lahat ah. Gutom na gutom ka sa babae, te? 'Di makontento sa isa kaya nilahat mo na? Kaya siguro ang didilim ng mukha. Sino ba naman ang gugustuhing makasabay kumain 'yong mga karibal mo sa kajowaan mo 'di ba? Iba talaga ang lakas ng apog mo, bata!"

Napangisi nalang s'ya kay Mara. "It's not like that kasi. Ano, tinipon ko para mag-apologize. Kahit flirting and make out-make out lang 'yong ginagawa ko with them, deserve din nila ng sorry galing sa'kin. Tinapos ko na, Mara. I'm not flirting with anyone anymore."

"Shala! Narda playgirl era ending na for real? Nilalagnat ka ba, Narda?" Sinapo pa nito ang noo n'ya.

"Tss! Hindi nga kasi. Ano, narealize kong mali talagang paglaruan ang love, Mara. Paano kung dumating 'yong babaeng para talaga sa'kin pero ayaw n'ya sa redflag?"

"Gaga! Ngayon mo lang talaga narealize 'yan?" Mara rolled her eyes. "Parang alam ko na kung para saan 'to. Pinilit ka na naman ba n'yang igive up ang lahat para sa kanya? Kung si Ara ang tinutukoy mo, Narda, manahimik ka nalang. Hindi deserve ng babaeng 'yon ang seryosohin."

"I'm also breaking up with Ara, bes. Magkikita kami mamayang dinner."

"Woah! Bes, ikaw ba talaga 'yan? Mukhang hindi na ordinaryong sinat o lagnat lang 'yang nararamdaman mo ah. May dengue ka ba?"

"Gagi! Wala nga kasi. Eh, masama bang subukan kong magpakagreenflag, Mara?"

Tinitigan s'ya nito ng may pagdududa. "Nahanap mo na?"

"Ang alin?" Pagmamaang-maangan n'ya pa.

"Wag ako, Narda. Kwento ka na, dali." Nangalumbaba ito sa harap n'ya.

"Wala nga kasi, bes. Masama bang bigyan ko ng kaunting katahimikan ang buhay ko? Like focus on myself and my career as a writer muna. Ikaw nalang muna ang ididate ko bestfriend." Nagpuppy eyes pa s'ya kay Mara.

"Wag mo nga akong pinagloloko, Narda! Di mo ako madadaan sa ganyan mo."

"Tss! Saka na. Baka majinx pa eh."

Napangiti nalang habang naiiling si Mara. Matagal na n'yang pinapanalangin na magtino na 'tong bestfriend n'ya. Matagal na n'yang gustong sumaya ng totohanan si Narda. "Sinasabi ko na nga ba! Ikaw talaga, Narda! Pero kung sinuman 'yang nagpapatino sa'yo aba I have to thank her. Kung hindi dahil sa kanya, feeling ko buong buhay mo magpapakagago ka. Akala ko wala ka na talagang pag-asang magbago."

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon