Chapter 33: So connected

59 6 2
                                    

South Luzon, present time

"Lolo Manuel! Lolo Manuel!" Malayo palang ay nagsisisigaw na si Luna para tawagin ang matanda. Hinihingal pa s'ya matapos akyatin ang medyo may katarikang bundok hanggang makarating sila sa medyo tago ngunit patag na bahagi ng bundok.

"Puntahan mo nalang sa taas, hindi na kasi masyadong nakakarinig si Ka Manuel."

Mabuti nalang at nakasalubong n'ya sa may paanan ng bundok ang dalawang kasama n'ya sa pag-akyat kaya hindi na s'ya nahirapan pang hanapin ang pinaglulunggaan ng lolo n'ya.

Mabuti nalang din at pumayag ang tatay n'yang puntahan n'ya ito ng tumawag s'ya rito. Ni hindi na nga ito nagtanong pa kung bakit.

"Basta sure kayo na walang babaril sa'kin pag-akyat ko doon ha?"

Natawa nalang ang dalawang lalaki sa tinuran n'ya.

"Samahan mo na nga, Ka Jose. Pakisabi na rin kay Kumander Ina na payapa ang tubig."

Napakunot-noo nalang si Luna habang nakatunghay sa dalawa. Wala s'yang ideya sa kung anuman ang pinag-uusapan ng mga ito.

Tumango naman 'yong nautusan saka s'ya sinenyasan na sumunod na rito paakyat sa mga nakahilerang kubo.

"Wala ba talagang babaril sa'kin dito?" Tanong ulit n'ya.

"Yong babaril sa'yo 'yong dalawang lalaking nakasunod sa'yo hanggang sa may paanan ng bundok kung saan tayo nagkita. Hindi kami."

Nahintakutan si Luna sa narinig. Totoo pala 'yong kutob n'yang may sumusunod sa kanya simula pa ng sumakay s'ya ng bus.

"Saka kilala ka ng mga tao rito, Luna. Kahit na matagal ng tumiwalag sa grupo ang tatay mo ng makilala n'ya ang nanay mo, hindi naman ito nakalimot makipag-ugnayan kay Ka Manuel. Sa katunayan palagi n'yang ipinagmamalaki ang mga larawang kalakip ng mga sulat ng tatay mo sa kanya. Kaya wala kang dapat ipag-alala, Luna."

Tumango na lamang s'ya at sumunod dito. Maski paano ay nakampante s'ya ng malamang safe s'yang magtago sa lugar na ito.

"Luna, ikaw na ba yan, hija?" Inaninag s'ya ng matandang kakalabas lang ng kubo nito. Sa tantya n'ya ay nasa 70 taong gulang o higit pa ang edad ng matanda. Ngunit natatandaan pa n'yang ang mukha nito ng bumisita ito sa kanila n'ong bata pa s'ya kaya sigurado s'yang ito na nga ang lolo n'ya.

"Lolo Manuel."

Niyakap s'ya ng matanda. "Bakit naparito ka? May nangyari ba sa iyong mama't papa?"

Todo iling naman ang ginawa ni Luna. "Naku, wala po, lolo. Ang totoo n'yan, ako ang may kailangan ng kaunting tulong." Hindi na s'ya magpapaligoy-ligoy pa.

"Ano 'yon, apo?"

"Sa tingin ko po ay may nakita akong hindi ko dapat makita, may lugar akong napuntahan na hindi naman dapat ako naroroon, at may mga taong hindi ko pala dapat makita manlang maski mata... kaya ilang araw ko ng napapansin at nararamdaman na parang may sumusunod sa akin."

"At saka gusto ko ring pagtaguan si Regina at Narda. Malaki rin ang atraso ko sa dalawang 'yon." Gusto n'ya sanang idagdag.

"Ano ba ang gusto mong tulong, apo? May ipapapatay ka ba?"

"Naku, ayoko pong umabot tayo sa ganoon, lolo. Gusto ko lang pong magtago muna rito hanggang sa makaisip ako ng paraan para tantanan na ako ng kung sinumang sumusunod sa akin."

Saglit na natahimik ang lolo n'ya. Sa wari'y nag-iisip. "Sandali lang apo, kailangan kong komunsulta muna sa lider namin dito. Malamang sa malamang ay hindi naman nilingid ng papa mo sa'yo kung anong klaseng lugar ang pinuntahan mo."

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon