Chapter 8: The greatest stalker maybe

112 9 5
                                    

"Almost but not quite." I smiled with the thought of it.

Mabuti nalang tama ang ginawa ko. Sinundan ko si Narda papunta dito sa bar. I witness everything. Regina Maxine and Narda is dancing on the same dance floor, almost dancing back to back with each other, bumping into each other without them knowing it.

"Cheers, tadhana! You are really on my side."

Maybe love talaga ako ng tadhana. Hindi n'ya hinayaang magkaharap ang dalawa. Hindi n'ya hahayaang matapos na ang larong kakasimula ko palang gawin.

I saw Narda went out of the bar with a girl. I was torn between following Narda or wait for Regina Maxine to go home.

I choose the second.

Susundan ko si Regina Maxine hanggang sa makauwi s'ya. This is a chance for me to discover where she lives.

"I'll bring you home, Regina. Lasing ka na." Narinig kong sabi ng kasama nito habang nakamasid lang ako mula sa couch na kinauupuan ko malapit sa kanila.

"No! I can manage, Ki. You'd better stay here with your friends. I'll go home myself. Ops!"

Natatawang napaupo pabalik sa inuupuan n'ya si Regina Maxine sabay pikit ng mata. "Darn! My feet are wobbly."

"Ganyan ba ang sinasabi mong kaya mo? Ni hindi ka na nga makatayo oh. I'll bring you home. Or you can stay at my condo if you want to."

"No! Huwag kang papayag, Regina Maxine. I need you to go home. I want to see where you live." I silently wish while looking at her.

"No, Kiara. If you insist on driving me home, bring me home straight. I want to rest, pagod na ako."

"Alright. Let's go." Tinulungan s'ya ng kasama n'yang tinawag n'yang Kiara patayo. Inakay s'ya nito at nakasunod lang ako sa kanila hanggang sa makarating kami ng parking lot.

"Ulk!" I heard her vomit from a distance.

Kita kong nagsusuka ito sa likod ng kotseng pula. Nakasunod ang mga mata ko sa kanya saan man s'ya magpunta.

"Felt better now?" Tanong ng Kiara sabay abot dito ng tubig.

Tumango naman ito sabay abot sa binigay nitong tubig. Pumasok na ito sa kotseng maghahatid sa kanya pauwi pagkatapos ayusin ang sarili.

30 minutes had past and we're still on the road. Nakalabas na kami ng city at tinatalunton ang makitid ngunit sementado pa ring daan papasok sa kagubatan.

I saw a cute 2 storey tiny brick house after 2 minutes of driving into the woods. Naiilawan ng sinag ng buwan ang bahay kaya kitang-kita ito mula sa 'di kalayuan.

"Who would have thought that this beautiful place exists just minutes away from the city?" Manghang nailibot ko ang mga mata sa kapaligiran. Amazed sa nakikitang ganda ng paligid kahit gabi na. Siguradong mas maganda dito pagdating ng umaga.

Pinark ko ang kotse ko sa dakong hindi makikita ng naghatid kay Regina Maxine. Mas pinili kong hintayin ang pag-alis n'ya saka palang ako lalabas ng kotse.

"Good girl." Napangiti ako. Hindi tumagal ng 20 minutes at nakita ko ng sumakay pabalik ang babae sa sarili nitong kotse at nagdrive na paalis sa lugar na ito.

I started my car's engine saka nagdrive papunta sa harap ng mismong bahay.

"Hope you're home alone, darling."

The house is built without any fence but it's surrounded with flowers and vegetable beds which make it look like it has one.

"I can live in a place like this forever. Ang ganda talaga."

I went for the door. Hoping it's open. If not... hmmm! I'll think about it later maybe. I just wish it's open.

Sinubukan kong ikutin ang doorknob.

"Damn! It's locked! But what do I expect? Alangan namang iwanang nakabukas ng naghatid sa kanyang babae ang pinto."

Gusto ko talagang mapasok ang bahay ni Regina Maxine kaya nag-isip ako ng paraan.

I'm not good at lock picking but I got some hairpins with me. Hopefully luck is on my side.

I tried to mimmick some door opening hacks that I saw on youtube using this hairpin, the way I remembered it.

*Click!* A sound of the door being unlocked.

"Shit! It worked!" Halos magtatalon ako sa tuwa ng bumukas ang pinto matapos ang ilang minutong struggle para buksan ito.

Kaagad akong pumasok sa madilim na sala. Using my phone's flashlight, I began walking to find where she sleeps.

"Ops!" Natutop ko ang sariling bibig.

Kamuntik na akong mapasigaw ng makita s'yang nakahiga sa mattress dito mismo sa inakala kong sala ng bahay n'ya.

Inilibot ko ang ilaw ng flashlight para lang malaman na pagbukas ng pinto, mismong studio na n'ya ang mabubungaran. Inakyat ko ang stairs papunta sa attic na nasa gilid lang ng mismong pinto. This house is actually not a two story brick house but a well-built one story house with a large open attic purposely made to store things and can be used as a bedroom. But her's is used to store more paintings and art materials on the side, a table and a sofa. She got this cool glass window overlooking the whole garden at the back of her house.

Bumaba ako ulit. I can consider this place a home gallery. Paintings are hanging all over the walls.

"Kakaiba ka, Regina Maxine. You never use a bed but you're comfortably sound asleep."

Tinitigan ko ang maamo n'yang mukha na sa sobrang kalasingan ay hindi manlang namalayan na napasok na ng intruder na kagaya ko ang bahay n'ya.

"Swerte mo lang talaga I don't have plans on raping you. If I do, kanina ko pa nakuha ang gusto ko."

Hinawakan ko ang pisngi n'ya. Dinama ang makinis n'yang kutis na malasutla sa lambot.

"Hmmm..." Nakaramdam yata s'ya sa pagkakahawak ko kaya napalayo ako at nagtago sa likod ng naroroong sofa. Pinatay ang flashlight saka nakiramdam kung magigising ba s'ya.

"Wew!" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang banayad n'yang hilik tanda na nahimbing na s'ya ulit sa pagkakatulog.

"What do you expect from a drunk person?" Napangiti ako.

Agad kong binuksan ang ilaw at hinintay kung gagalaw ba s'ya at mararamdaman ang ginawa ko. Pero wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya. Mahimbing talaga s'yang natutulog.

I put out my phone from my pocket and took pictures. Of her paintings, of every corner of her house, of those pieces from the attic, of her garden from the window, and of everything that might be of future use.

I even took a 'selfie of her' sleeping... took different angles of her face.

"Now, i've got some new pictures for Narda." Nangingiting sabi ko habang tinitingnan ang nakuha kong mga larawan.

"Meow!"

A cat jump on my head out of nowhere.

"Fuck off you stupid, little cat!" I pulled it out of my head before it scratches my face.

"Ngaw! Chhhh!" Sinubukan ulit nitong lumundag para atakihin ako pero nakailag ako.

"Damn!" Baka sa ingay ng pusang 'to ay magising ang natutulog n'yang amo.

Dali-dali kong pinatay ang ilaw saka tumalilis na palabas ng bahay.

"May araw ka rin sa aking pusa ka! Saka babalik ako, Regina Maxine. Sigurado akong hindi ito ang huli nating pagkikita."

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon