"Siguro kung nagkita silang dalawa kanina matapos silang magkabungguan, wala na. Tapos na siguro 'yong part ko dito sa kwento." Naisa-isip ko habang nagdadrive pabalik ng city.
"This night might have turned bad if they saw each other on that bar."
I never expected their early encounter in a place like that. It might had been worst if they bumped into each other and Narda tried to talk to Regina Maxine about meeting her on social media, which obviously was a lie.
"Swerte lang talaga ako siguro."
Napangiti ako ng maalala ang mga pictures ng natutulog na si Regina. It was one of the best 'proof' that I have para mapaniwala kong ako talaga s'ya.
Usually people posts pictures of them having fun at the beach, of their trips abroad, of their achievements but not usually when they're on their bed with no make up and all. Iilan lang ang gumagawa n'yan and usually sinesend lang thru direct and private message for their love ones.
Itinigil ko saglit ang kotse sa gilid ng daan. Opened Regina Maxine's dummy account and sent Narda a message.
"Sleepy already. Hope you have a good night sleep yourself. Nanyt. *kiss*"
I sent that message with a picture of Regina "closing her eyes" while taking a "selfie".
"Bruh! Ewan ko nalang kung mag-iisip ka pa na 'fake' ako." Tawa ako ng tawa sabay balik sa pagdadrive.
I wonder where Narda is right now. Nakauwi na kaya s'ya sa apartment? Or kasama pa rin n'ya 'yong babaeng umakay sa kanya palabas ng bar na 'yon kanina?
Ipinagkibit-balikat ko na lang ang mga tanong na 'yon sa isip ko.
"I'll just wait for your replies, Jae..."
_______________
"Hmmm... her light's are on. Nakauwi na pala s'ya."
Nadaanan kong maliwanag ang kwarto na inooccupy ni Narda.
"Ahh! Yeah!" Narindi yata ako sa narinig ng saktong pagdaan ko sa may pinto ng unit n'ya, ungol ng babae ang naulinigan ko.
"Fuck me hard!" Mas lalong nagpanting ang tenga ko ng idinikit ko sa pinto ang tenga ko para siguraduhing sa kwartong 'yon nanggaling ang ungol na narinig ko.
"Shit!" Napamura ako at halos sipain ko na ang pinto ng kwarto n'ya kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.
Sumandal ako saglit sa pader ng kwarto n'ya para payapain ang galit na nararamdaman ko ngayon. Ungol at halinghing pa din sa kwarto ang maririnig.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakapikit at nasa ganoong sitwasyon hanggang sa tumigil na ang mga ungol at daing na naririnig ko mula sa loob ng kwarto.
[Doorknob clicks]
Hindi ako nakahuma ng bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng nakita kong kasama ni Narda palabas ng Bank bar kanina.
"Who are you?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin habang inaayos ang nagusot n'yang damit.
"Oh! Nevermind!" Nilagpasan lang ako nito at hindi na hinintay pa kung sasagutin ko ba ang tanong n'ya o hindi. Nagmamadali lang talaga s'yang naglakad palabas.
"You forgot your phone!"
Pasigaw na habol ni Narda mula sa pintuan ng kwarto.
Lumingon naman ang babae saka bumalik sa pinanggalingan. Ako naman ay hindi na nakagalaw at nanatili nalang nakatayo kung saan ako naroroon kanina.
"Thanks."
Inabot lang ng babae ang phone saka tumalikod. Si Narda naman ay iniabot lang din sa babae ang phone ng wala namang sinasabi. Habang ako ay para lang din hangin, multo o anino na nasa gitna nilang dalawa at wari'y hindi nila nakikita at napapansin.
"Sorry..." Isang beses pang bumalik ang babae saka hinalikan si Narda sa labi. "Thanks for tonight, babe. Text you when I get home." Dire-diretso na itong lumabas ng gate pagkatapos.
Nagkatitigan kami ni Narda ng lumingon s'ya sa dako ko. Tinanguan lang n'ya ako bago s'ya pumasok ng kwarto pero wala namang sinabi.
"Shit ka, Narda! Pagbabayaran mo 'to!" Galit na galit na pumasok na rin ako ng unit ko.
Pero kaagad rin akong natigilan ng nasa loob na ako. "Bakit ganito ako kagalit eh wala namang kami? Kung tutuusin ay si Regina Maxine at hindi ako ang kalandian n'ya sa social media pero bakit ako ang affected? Ah! Basta magbabayad s'ya! Ni hindi n'ya sinabi sa akin na may girlfriend s'ya ngayon."
Dumiritso ako sa kusina para uminom ng tubig at ng humupa naman ang galit ko.
Pasalampak na naupo ako sa swivel chair sa harap ng computer ko pagkatapos ni-log-in ko ang dummy account ni Regina para sana burahin ang message na sinend ko para kay Narda. Nasira na ang mood ko.
Ngunit nabungaran kong nagheart react na si Narda sa picture at nagcomment na ng: "Sweetdreams, sleepyhead. Maganda ka pa rin kahit patulog na."
Gusto ko s'yang murahin saka iblock pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong sabihin na nakita ko s'yang may kasamang ibang babae sa unit n'ya pero mabubuko n'ya ako kasi ako lang naman ang nakatayo sa may pinto n'ya kanina.
"Kalma, Luna! Pasasaan ba at makakaganti ka din kay Narda." Huminga ako ng malalim saka nagtype ng reply.
"How was your night?" Kunwari hindi ko alam.
"Oh bakit gising ka pa? Akala ko matutulog ka na?" Reply n'ya.
"Nakatulog na sana, nagising lang sa notification ng message mo." Reply ko.
"Ops! Sorry."
"Don't mind it. Balik tayo sa una kong tanong, kamusta ang gabi mo?"
"Huwag na huwag ka lang talaga magsisinungaling na hayop ka! Alam na alam ko ang pinaggagawa mo buong gabi." Bulong ko sa sarili.
"Went out with friends and..."
"And?..."
"Aminin mo na kasi na kasama mo ang girlfriend mo! Na nagladian at naglampungan kayo sa unit mo!" Sigaw ko sa isip.
"And my ex who's coming in and out of my life." Reply n'ya.
Natigilan ako sa reply n'ya. "So ex n'ya pala 'yon? Ex na pabalik-balik sa buhay n'ya dahil sa libog." Natatawa kong sabi. "Buti nga sa'yo, Narda!"
She typed in again. "Ewan ko ba kung bakit ko s'ya hinahayaang labas-pasok sa buhay ko gayong alam ko naman sa sarili ko na ginagamit n'ya lang ako at ginagawang anchor o assurance na kapag wala na s'yang girlfriend ay may babalikan s'ya at ako nga 'yon. Katangahan na tinatanggap ko s'ya sa buhay ko 'di ba? Pero wala eh. Marupok ako. Sadyang naaawa lang ako sa kanya kaya ko s'ya hinahayaan sa buhay ko."
"Hmmm..." 'Yon lang talaga ang naireply ko.
"I know. I know. Ako lang din ang makakatigil sa katangahang 'to. Kahit bestfriend ko galit na sa akin dahil hindi ko mabitaw-bitawan si Ara. Ayoko kasing gawin sa ibang tao 'yong ginagawa n'ya sa akin, 'yong iwanan tapos babalikan, 'yong sasaktan tapos susuyuin, 'yong ipagpapalit pero pipiliin din ulit. Hindi kasi ako ganoong klase ng tao. Kahit pa isipin nilang ganoon ako kasi writer ako. I just want to give love. Pure love to every lover that comes my way. Gusto kong maalala nilang may isang nilalang manlang na minahal sila ng sobra at totoo, hindi kagaya ng ibang dumadaan sa buhay nila. Hay! Sorry, kung sa'yo ko 'to nasasabi lahat, Max."
"It's okay, Jae. I understand. Naspeechless lang ako sa nalaman ko tungkol sa'yo."
"See? Tao lang din ako. Writers are hopeless romantic but our love stories are mostly like our novel's climax... complicated, imperfect, painful. I don't wanna ruin your night, Maxine. Sorry sa nashare kong drama sa buhay ko. We'd better call it a night. Goodnight, Max."
"Goodnight, Jae..."
Parang bigla akong nakonsyensya sa mga sinabi n'ya.
"Tama bang paglaruan ko itong taong 'to? She deserve to be loved. Hindi deserve ng kahit na sino ang pasakitan, ang gawing parausan or ang gawing rebound kapag wala ng ibang tao sa buhay ng minamahal nila."
BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanfictionA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...
