"Love!" Inilang hakbang lang ni Sarah ang pagitan nila ni Andy. Kaagad itong yumakap sa nagulat na kasintahan na kanina pa nakatitig sa kawalan habang nakatulala.
"Thanks G, you're alive. Sobra akong nag-alala, love. Akala ko... akala ko hindi na kita makikita ulit. Akala ko napaano ka na." She shower Andy's face with light kisses.
"You're not suppose to be here." Mahinang sagot ni Andy. Pilit na kumakawala sa yakap ni Sarah.
"But i'm worried. Ilang araw na kitang hinahanap. Kung saan-saan na ako napadpad, Andy. Mabuti nga at sinabi nila kung nasaan ka at pinayagan nila akong makita ka. Sobra akong nag-alala, Andy. Miss na miss na kita." Mas hinigpitan ni Sarah ang pagkakayakap dito pero mas persistent si Andy na ipagtulakan ito palayo.
"Dapat hinayaan mo nalang ako. Hindi ka dapat nandito, Sarah. Ayaw na kitang makita."
"No! Uuwi ka pa sa atin kapag nahuli na ang may gawa sa'yo nito. I know what you're doing, Andy, pero ngayon palang sinasabi ko na sa'yo, no matter what you do, kahit gaano mo pa ako ipagtulakan palayo, hindi kita susukuan. You can't shake me off of your life ever." Sinubukan s'ya ulit yakapin ni Sarah and this time hinayaan na ito ni Andy.
"Mga hayop sila! Binaboy nila ako, Sarah.. Ang dumi-dumi ko na." Pilit nitong pinigil ang mapahagulhol sa pamamagitan ng pagkagat ng sarili nitong kamay. Halata ang panginginig nito dahil sa trauma. "But I guess I deserve this. I had never been faithful to you. And I took you for granted. I played here and there habang tayo pa. I guess this is my karma for being an asshole. Pero sana nga pinatay nalang nila ako. You don't deserve someone like me. You deserve better, Sarah, at hindi ako ang makakapagbigay n'yan sa'yo. Please layuan mo na ako, Sarah." Ni hindi nito matingnan si Sarah. Nakatutol lang ang titig nito sa marka ng kagat sa mismong kamay nito.
"Huwag kang magdesisyon for me, Andy. Minahal kita for who you are. Tanggap ko kahit flaws mo. Tanggap kita at tatanggapin kita kahit ano pa ang nangyari sa'yo. We'll seek help. You'll overcome this trauma. And I assure you, i'll be with you all the way. Hindi kita kailanman iiwan, Andy. Hindi kita bibitawan. Kaya sorry, hindi kita mapagbibigyan sa gusto mong magyari. Hinding-hindi kita lalayuan kailanman."
"Sarah... love. They raped me. Binaboy nila ako, love." Hindi na napigilan pa ni Andy na pakawalan ang sariling emosyon. Sarah is hugging and kissing her while murmuring assurance.
Nakatunghay lang sila ni Noah sa dalawa mula sa pintuan ng kwarto nito sa safe house.
"Dapat matapos na 'to, Noh. Hindi ko na kaya pang makawitness ng ganito kabigat na eksena ulit. Ang sakit sa dibdib. Nakakagalit." Naiiling na isinarado ni Narda ang pinto ng kwartong kinaroroonan ni Sarah at Andy.
"Sinusubukan naman natin lahat ng makakaya natin eh. Masyado lang silang mailap. Ano'ng plano mo, Narda?"
"Hindi pa gumagana 'yong socmed bait, Noh. I think we need to boost it so it reaches the target audience fast."
"Hay! I think we need to up our game. Maghubad ka na kaya?"
Sinamaan n'ya ito ng tingin. "Hindi lang ang mga serial rapist ang maaattract ko, Vallesteros. Maski siguro matitinong lalaki magiging manyak dahil sa suggestion mong 'yan."
"Eh 'di sorry! Eh sa wala pa akong ibang naiisip eh. Sayang din kasi 'yong si Jo at Mar. Akala ko sinusundan lang si Luna, 'yon pala handang makipagpagbarilan ng patayan. Hindi manlang natin nainterrogate bago sila napatay. Sa tingin mo may kinalaman sila? O baka silang dalawa na 'yong serial rapist na hinahunting natin?"
"Sana nga sila nalang 'yon para wala ng sunod na maging biktima. Pero hindi tayo pwedeng maging kampanti, Noh. Hindi pwedeng ganito nalang. We need to make sure. Who knows naghihintay lang sila ng tamang pagkakataon bago umatake ulit, baka nag-aabang lang ng bagong target."

BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanficA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...