Epilogue one-half

94 8 14
                                        

"Damn it! Bakit ayaw magstart? Bakit ngayon pa?" Pinagpapalo ni Beast ang manibela habang sinusubukang paandarin ang kotseng may ilang taon na ring nasa tagong bahagi sa likod ng mansyon. Pinasadyang itago dito upang magamit sa ganitong pagkakataon.

"I told them to check this car every month. Mga hinayupak na 'yon, 'di ako sinunod!" Itinigil na n'ya ang pagsubok na paandarin pa ito at pabalibag na isinarado ang pinto matapos lumabas sa kotse.

"Oh! I know what to do now!" Napangisi s'ya sa naisip.

Lumigid s'ya sa unahan ng kotse at itinulak ito palabas mula sa pinagtataguan nito. Itinulak n'ya ang kotse hanggang sa mahulog ito sa bangin.

"Magtatago nalang muna ako hanggang sa matapos na ang putukan, mas mabuting aakalain nilang nahulog ako sa bangin kasama ng kotse ko."

Ngunit bago pa man s'ya makapagtago, dumating na si dok Rejina. Nakatutok pa rin sa kanya ang baril nito.

"Hindi uubra sa akin ang mga ganyan mong plano, Dexter! Nabasa na kita, hindi mo pa man nagagawa!" Itinapon ni dok Rejina sa harap nito ang kableng pinutol nito sa sasakyan n'ya.

"Kaya pala ayaw umandar ng kotse, pinakialaman mo pala." Kuyom ang kamaong sabi ni Beast dito.

Medyo mabagal na ang mga kilos ni dok Rejina pero hindi pa rin maikakaila kung gaano ito katalino at kadunong humawak ng baril.

"Sumuko ka na, Dexter. Magbibilang ako ng tatlo at kapag natapos na ako sa pagbibilang pero hindi ka pa rin sumusuko, papaputukin ko na 'yang baho ng ulo mo!"

"Isa!"



"Dalawa!"

"Tat-..."

Bigla s'yang lumuhod sa harap nito habang itinataas ang mga kamay sa ere.

"Susuko na po ako, lola auntie. Susuko na po ako."

Saka palang ibinaba ng matanda ang hawak na baril. Rumihestro ang kapanatagan sa mukha nito dahil sa desisyon n'ya.

"Mabuti at naliwanagan ka, Dexter. Hala! Bumalik na tayo sa loob at sumuko ka na sa mga pulis ng mapagbayaran mo na ang mga kasalanang ginawa mo."

"Lola auntie, natatakot ako. Baka gulpihin nila ako or worst ipapatay ako ng kung sino sa loob ng kulungan. Itakas mo nalang ako mula dito. Promise magbabago na ako. Hinding hindi na ako gagawa ng kasamaan kailanman. Parang awa mo, huwag mo na akong ipahuli sa mga pulis. Hayaan mo nalang na makalayo ako mula dito. Promise after this hinding-hindi n'yo na ako makikita pa kailanman." Yukong-yuko si Beast sa lupa habang nagmamakaawa kay dok Rejina.

Natahimik ang matanda na sa wari'y pinag-iisipan kung bibigyan ba s'ya nito ng pagkakataon o hindi.

"Please, lola auntie. Please." Nakaluhod pa s'yang lumapit sa kinatatayuan nito sabay yakap sa isang paa ng matanda.

"Ang dami mong ginawang pagkakamali, Dexter. Kung sa akin ka lang may pagkakasala pagbibigyan kita kaso hindi. Kaya-..."

Hindi na natapos ang sasabihin ni dok Rejina ng inagaw ni Beast ang baril nito.

Inakala n'yang basta-basta n'ya nalang maiisahan ang matanda pero nagkakamali s'ya. Nagpambuno sila habang nag-aagawan sa baril.

"Traidor ka talaga, Dexter!" Paangil na sigaw ni dok Rejina habang pagulong-gulong sila ni Beast sa damuhan. Pinag-aagawan ang baril na kasalukuyang yakap-yakap pa rin ni dok Rejina.

"Kung makukulong rin lang naman ako, mas maigi pang mamatay nalang!"

Tumigil si Beast sa pakikipag-agawan kay dok Rejina at tumayo mula sa may gilid ng bangin.

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon