"Luna, sinabi ko na kay Regina kagabi na pulis ako." Sabi kaagad n'ya ng marinig ng sumagot na mula sa kabilang linya ang tinawagan n'ya. Pasilip-silip din s'ya mula sa likod-bahay. Hindi pwedeng marinig ni Regina ang usapan nila ni Luna kaya lumabas muna s'ya.
"Wow! Wala manlang ba munang hi, hello, good morning, kamusta, kumain ka na ba? Diretso agad ah." Sarkastikong sagot naman ni Luna. "Kakagising ko lang at hindi pa nga ako nakakapagkape pero ito na kaagad ang bungad mo sa akin."
"Eh sorry na. Nagpapanic kasi ako. 'Di ko alam ang gagawin ko, Luna."
"At bakit? Nagalit ba? Sinabunutan ka? Pinalayas ka ba? I say deserve!"
"Tss! Tumigil ka nga. Hindi. Wala ngang violent reaction sa confession ko. Natuwa pa nga yata. Gusto akong ihatid sa trabaho mamaya."
"Oh eh 'di maganda, makakatipid ka sa pamasahe."
"Hindi kasi s'ya pwedeng sumama. Alam mo na kung bakit, Luna. Ano'ng gagawin ko?"
"Eh 'di magpahatid ka pero sabihin mo hanggang sa labas lang s'ya. Problema ba 'yon?"
"Aba eh paano kung magpumilit pumasok? Alangan namang pigilan ko eh alam mo namang labas-pasok lang ang mga tao sa police station. Paano pag nalaman n'ya kung ano'ng kaso ang hawak ko? Tapos baka may makapagsabing isa s'ya sa mga suspects namin."
"Eh hindi naman naniniwala si Kumander Ina na may connection s'ya sa mga taong 'yon. Maski ako kahit papaano hindi rin naniniwalang masama s'ya. Eh ikaw? May nararamdaman ka bang ganoong vibe sa kanya?"
"Eh baka kasi maging bias lang ako. Alam mo naman, hindi ako totally sure sa kung ano ang dapat kong paniwalaan at panigan. Pakiramdam ko kasi apektado pa rin ng prophecy ang judgment ko. I still have to sort things out. Kaya nga nag-iinvestigate pa ako, 'di ba?"
"Alam mo madali lang 'yan. Ibrief mo nalang 'yong mga kasama mong 'wag maging matabil at pigilin nila 'yang mga bunganga nilang pag-usapan 'yang kaso kapag andyan si Regina. 'Di ba ang simple?"
"Natatakot akong malaman n'ya agad 'yong sekreto kong yon, Luna."
"Alam ko kung bakit."
"Syempre kasi gusto ko munang makasigurado kung talaga bang may kinalaman s'ya sa kaso o wala. Kailangan kong malaman kung bakit nasa mansyon s'ya ni Beast ng gabing 'yon, Luna."
"Naku hindi 'yon. Alam mo kung bakit ka takot na mabisto kaagad n'ya ang totoong dahilan kung bakit nasa bahay ka n'ya?"
"Bakit?"
"Kasi hindi pa kayo nakakagawa ng memories sa bawat sulok ng bahay na 'yan."
"Tangina mo, Luna! Ang dumi talaga ng utak mo!"
"Ulol! As if naman hindi mo gusto 'yan. Sa landi n'yong 'yan, duda ako kung saan-saang sulok na ng bahay n'ya kayo nakagawa ng milagro. Problemahin mo nalang kasi 'yan kapag naging totoong problema na. Hindi 'yong nag ooverthink ka d'yan. Bye na nga. Kapag ikaw nahuli n'yang may katawagan, lagot ka na naman."
"Oo na. Oo na. Magkape ka na. Mapaso ka sana."
"Heh!"
Pinatayan na s'ya nito ng tawag. Nagmadali naman s'yang naglakad papunta sa harap ng bahay ng makitang palabas na si Regina.
"Sure ka bang ihahatid mo ako? Wala ka bang gagawin today?" She silently wish na magbago ang isip nito.
"Oo naman. I said what I said, gusto kitang ihatid sa trabaho, Narda. Gusto ko sanang makita kang naka police uniform. Titingnan ko lang kung bagay ba?" Kumindat pa ito sa kanya tanda na may iba itong iniisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/333923662-288-k338925.jpg)
BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanficA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...