"Juana! Maxima!" Hinigit ko silang dalawa patungo sa pinagkukublihan kong malaking puno.
Kanina pa ako nakasunod sa kanila. Mula sa dahan-dahan at tahimik nilang paglabas mula sa mansyon tungo sa kakahuyang daanan upang marating ang baybayin sa paanan nitong kabundukan.
"Lino?" Tanong ni Maxima ng mapagsino ako.
"Lino." May diing sambit naman ni Juana na halatang ilag at walang tiwala.
Masisisi ko ba s'ya? Marahil ay hindi, pagkat ako'y makailang beses ng sila'y binigo't ipinahamak sa datu.
"Hali ka na, Maxima. Ang Don ay paparating na." Hinila ni Juana si Maxima at sila'y nagpatuloy sa pagtalunton sa daanan pababa.
"Juana! Maxima! Magpakita kayo, mga tampalasan!" Sigaw na aming narinig mula sa hindi kalayuan.
Lilingon sana ako sa dako ng dalawa ngunit agad akong nabuwal sa lupa ng ako'y masapol ng kamao ni Juana na nakaabang na pala.
"Subukan mong sumigaw at ipabatid sa datu ang aming kinaroroonan. Ika'y agad kong gigilitan kahit na ito'y labag pa sa aking kagustuhan."
Hawak n'yang balisong ay kaagad n'yang tinanggal sa sisidlan at ito'y iniamba diretso sa aking lalamunan. Halatang seryoso ito sa mga salitang kanyang binitawan.
"Juana, maghunos-dili ka! Ako'y narito upang sa inyong maging gabay, huwag mong sayangin lakas na iyong taglay. Sa inyong pagtakas ay kakailanganin mo iyan. Hindi nararapat na madungisan ng aking dugo ang iyong mga kamay, kahit pa ika'y may karapatang ako'y saktan dahil sa aking mga nagawang kasalanan."
Ako'y nakahinga ng maluwag ng kanyang ibalik sa sisidlan ang balisong n'yang hawak.
"Tumigil kayo!" Nasipat ko ang datu na patungo sa dako ko.
"Tumakbo na kayo! Ako na ang bahala rito!" Pasigaw kong utos sa dalawa at kaagad naman silang tumalima.
"Lino! Bakit sila'y hinayaan mong makalayo?" Tanong nito ng makalapit na sa dako ko.
"Hayaan mo na sila, mahal na datu. Sila'y bigyan mo ng laya at pagbigyan na sa kanilang gusto."
"At sino ka para utusan ako? Tumabi ka, Lino! Huwag mong harangan ang daanan ko."
Ako'y pilit niyang nilampasan, subalit s'ya ay hindi ko hinayaan. Hinawakan ko ang kanyang suot na baro't hinila ko pabalik sa kinaroroonan ko.
Kami'y nagpambuno't nagpalitan ng suntok, nagpagulong-gulong sa lupa hanggang sa ako'y nasakal n'ya gamit ang aking suot na camisa de chino at saka paulit-ulit na sinuntok hangga't ang puti kong suot ay nagkulay dugo.
"Ikaw ay tampalasan din pala, Lino! Humanda ka't babalikan kita pagkatapos ko sa dalawa." Ako'y kanya pang hinataw ng sangang kanyang nahawakan dahilan upang maliyo ang aking diwa dahil sa hilong aking naramdaman.
Dinig ko ang sigawan ngunit ako'y nawalan ng lakas kahit tumayo man lamang sa aking kinalulugmukan.
Pinilit akong gumapang patungo sa pinakamalapit na puno at sumandal saglit dito. Ako'y nagpilit ng makatayo ng mabatid kong nawala na ang pagkahilo ko.
...
"Don Lucho, hayop ka talaga!" Anas ko ng makita kong hinila ng datu si Juana mula sa sinasakyan nitong bangka kung kaya't ito'y nahulog sa tubig at nagpambuno silang dalawa. Si Maxima nama'y nakasakay na sa bangka't dinig ko rin ang sigaw n'ya.
"Ama, hayaan mong kami'y magpakalayo-layo na, ika'y hindi na rin naman namin gagambalain pa."
"Tumakas ka na, Maxima! Hintayin mo ako sa kabilang dako't ako'y susunod sa'yo. Sumagwan ka na't huwag mong hayaang ika'y masundan pa n'ya!"
BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanfictionA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...
