"How will I convince her to let me stay here? Hindi ko s'ya mababantayan kung paminsan lang akong magpupunta dito, o kung kailan lang n'ya ako ipapatawag para sa painting sessions namin dito." Tanong ko sa sarili.
She's busy painting on her canvas. Seryoso, nakatungo lang at panaka-nakang pasulyap-sulyap sa kahubdan ko habang mabilis na gumagalaw ang mga kamay n'yang may hawak na brush.
I looked at her, memorizing every part of her angelic face.
"Angelic nga ba? O kagaya rin ng iba na nasa loob ang kulo? An angel hiding a demon inside her maybe."
I stared at her as she wiped her sweaty brows with her fingers. I followed her hands as she continue what she's doing on her canvas. Mesmerized by the slickness of her fingers holding in to that brush, until an idea struck me. I can't help but grin.
"How will that fingers feel if it's my body you're touching it with?"
"Ha?" Tanong n'ya na sa wari'y nagcoconcentrate talaga sa ginagawa at hindi ako narinig.
"Nangangawit na ako, Max. Pwede bang magpahinga muna? Please?"
"Okay. 10 minutes break. Stretch ka muna."
Lumapit ako at tiningnan ang progress ng gawa n'ya.
"How do you see it, Narda?"
"Hmmm. Hindi ako magaling sa ganyan. But I can see it forming already. Hindi pa nga lang detailed." Sabi ko as I inspected the still unreadable abstract on the canvas.
"Ayaw mo lang akong maoffend." She smirked at me. "You can relate it to a relationship maybe. At first you will think of that person as a stranger, then as a mere acquaintance, then maybe a friend, then a lover. Ganyan din sa pagpipaint. Lumilinaw habang tumatagal. Nagkakabuhay, nagkakadireksyon as you go along, as you add details. It is an undescribable piece of art for now."
"Ganoon din ba tayo? Lilinaw din ba ang ugnayan natin in the near future?" It was a double intended question. Crush ko si Regina, or maybe infatuated na nga ako sa kanya. But it's not yet love and i'm sure of that. But I won't deny na may possibility pang lumalim ang kung anumang meron kami ngayon. Or maybe i'll stop myself from admiring her dahil sa possibility na may kinalaman s'ya sa mga patayang nagaganap dito ngayon. Regina Maxine is still my suspect.
Natigilan ako ng tumawa s'ya.
"Sorry. I'll never wish to be in a serious relationship ever again, Narda. I never will in this lifetime."
"Dahil ba sa alam mong wala kang mapagkakatiwalaan?"
"Sa sekretong tinatago mo?" Gusto ko sanang idagdag pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Not that wala akong tiwala sa mga tao sa paligid ko. But i'm comfortable living alone. Less hassle."
Mahihirapan yata akong makapasok sa buhay ng isang 'to lalo na't nakikita kong aloof s'ya sa ibang tao. Grabe ang shield na babanggain ko bago tuluyang makuha ang tiwala n'ya.
"Hmmm. Max? How often do you need me here?"
"Is it possible for you to be here daily? I only have a few months before the exhibit. Ang dami ko pang kailangang tapusin."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa isiping araw-araw pala kaming magkakasama. It also means araw-araw ko s'yang mababantayan and it will be an opportunity for me to dig deeper sa pagkatao n'ya.
"Of course, Max."
"May iba ka pa bang trabaho bukod dito? We can compromise."
"No need. I'll be here whenever you need me. Even in the middle of the night, during those hot days?" I winked at her and she just smirked at me.
Sobrang ganda talaga n'ya. Nakakaputangina.
"We can do that, Narda. Iwanan mo lang ang number mo mamaya after we're done. Resume na tayo?"
"I'm all yours, Max." Bumalik na ako sa position ko kanina.
Sinupil naman nito ang ngiting sumilay sa labi n'ya bago nagpinta ulit.
_________________
"Please trace this number, Noah." Inilapag ko ang cellphone ko sa table n'ya.
Naabutan kong nagkakape ito habang nakataas ang mga paa sa lamesa.
"What number, Nards? And why?" Naghikab na ito. Alam kong kanina pa s'ya uwing-uwi pero sinabi kong hintayin muna n'ya ako at may pag-uusapan pa kami.
"I have been scammed! Ang ironic, Noh! Nanggigigil ako. I'm working at cybercrime division pero ako pa itong nagoyo ng scammer. A girl pretended to be someone I know on social media. Like she post photos na hindi mo talaga pagdududahan na peke. Ang daming photos that I can't even find on Regina's page."
Nginisihan ako ng hinayupak.
"Hmmm... Regina."
"Ano na namang klaseng tingin 'yan, Noah?"
Tumawa pa ito lalo at hindi pa tumigil kung hindi ko pa binato ng naroroong folder.
"Dahil galit na galit ang vakla, for sure babae mo na naman 'yang si Regina at hindi basta kaibigan lang." Panunudyo pa nito sa akin.
"Shut up, Noh! Hindi ganoon 'yon. At malabo yatang mangyari pa 'yan. She's the painter i'm currently working for."
Mas lumapad ang ngiti ng animal. "That someone na pinagsususpetsahan mo na may kinalaman sa mga serial killers? Interesting."
Tumango lang ako. "Ang hindi ko lang maintindihan, Noh. Even before we met, I already have dreams about her."
Nagkibit-balikat lang s'ya. "Maybe pinafantasize mo lang s'ya dahil d'yan sa sinasabi mong poser n'ya."
"It can be. Pero parang may connection talaga kami eh. Deep connection na hindi ko mawari kung ano."
I scrolled thru my messages at ipinakita sa kanya ang picture ni Regina. 'Yong picture syempre na hindi magagawang pagpantasyahan ng manyakis na si Noah.
"Kaya pala galit na galit ang vakla. Ang ganda n'yan, par."
"Tumigil ka nga sa kamanyakan mo, Noah! Huwag si Regina! Suspect natin 'yan."
"Naku! Galawan mo lang eh. Type mo lang 'yang sinusurveillance mo. Bibigyan mo pa ng deep meaning 'yang pagiging malanding vakla mo, Narda."
Kinaltukan ko nga sa ulo. "Siraulo! Magtrabaho ka na nga. Pakihanap ng poser ni Regina. Isa pa 'yan sa pinagsususpetsahan ko since ayon sa text n'ya dati, sinundan daw n'ya tayo sa mansyon ni Beast. Ang higpit ng security doon para mapasok n'ya ng ganoon-ganoon nalang."
"Iba ka talaga, parekoy! Why is every girl na related sa'yo, kaduda-duda? Tama lang siguro na ginagamit ka namin as bait sa kasong 'to. Parang nakadikit sila sa'yo eh. Magnet ka ba?"
"Wag mo na ring bigyan ng deep meaning ang pagiging user mo, Noah. Magkakaroon ka ng promotion once this case is solved at swerte ko na kung parehas tayong mapromote. Kasi kung hindi for sure 6 ft below the ground ang aabutin ko dahil sa'yo. Namo ka!"
Tumawa lang s'ya sabay salag sa librong ibabato ko sana sa kanya.
"Trust me on this, pareng Narda. 'Di kita hahayaang mapahamak. Ako muna, bago ikaw." Seryoso naman nitong sabi.
"Papaniwalaan ko 'yan pagkatapos ng kasong 'to, Noah. Pero salamat, Noh. I know I can always count on you kahit madalas, ang gago mo."

BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanfictionA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...