Chapter 24: Criminal minds

91 3 3
                                        

"Tangina tol!!! Akala ko sexy lang si Narda Custodio. Putangina! Diwata pala kapag nakahubad, 'tol." Sabi ko kay Jj habang nakatunghay pa rin kina Narda at sa pintor mula sa bintana.

"Lakasan mo pa, Em. 'Di pa nila dinig sa loob."

Sinamaan ako ng tingin ng gago na ngayon ay nakatunghay sa larawang nakuhanan namin gamit ang phone camera mula sa labas ng bintana ng bahay ni Regina Maxine Vanguardia.

"Hindi ko akalaing may isa ka pa palang sekreto, Narda Custodio. Akala ko writer at pulis ka lang. Nude model ka rin pala. At sa kasamaang palad ay dito pa talaga sa lugar kung saan namin naitapon ang bangkay ng babaeng may pulang buhok kagabi. Hmmm... O nagpapanggap ka lang bang modelo para makakuha ng impormasyon tungkol sa kasong hawak n'yo? Ibang klase kang gumalaw, Custodio. Hindi kita dapat basta-bastang hinayaan lang. Dapat ka nga talagang bantayan... at patayin." Mahinang sambit din ni Jj habang nakatunghay sa larawang nasa screen ng cellphone nito.

"Sorry na tol, 'di ko mapigilang maglaway sa katawan ni Narda. Tingnan mo naman 'tol. Dyosa! Dyosa ang isang 'yan. Saka tingnan mo 'yong pintor, 'di ba ang ganda din n'ya? Pwedeng tig-iisa tayo, tol."

Napangisi ito sa sinabi ko. "Pwede. Total mukhang parehas namang masarap. Pero ang usapan ay usapan. Ako pa din ang papatay kay Narda Custodio at ako na rin ang bahala sa maganda pintor na 'yan." Napangisi kami parehas sa isiping 'yon.

                     *FLASHBACK*

"Wala ba tayong bagong prospect d'yan, tol?" Tinapik ako ni Jj sa balikat bago naupo sa tabi ko.

"Di ka pa nakontento sa ginawa mo doon sa anak ni Congressman? Tigang na tigang, tol?" Tinawanan ko s'ya saka nagscroll scroll sa facebook gamit ang dummy account ng baguhan pero gwapo na Malaysian actor. Hindi pa popular internationally ang isang 'to kaya makakauto pa ng kabataan dito sa Pinas.

"Eh paano ba naman kasi, hindi naman masarap 'yong anak ni Congressman. Ang sabi virgin pa, ilong nalang pala ang virgin. Sinungaling amputa." Tumawa ito habang nakatingin sa computer mula sa likod ko habang kumakain ng saging.

"Gago mo! Kaya mo pala pinatay. Nanggalaiti tuloy si Congressman at pinapahanap na tayo kaagad."

"Eh 'di subukan nilang maghanap! Para lang silang naghanap ng isang butil ng shabu sa isang balde ng tawas."

Nagfist bump pa kami sabay tawa.

"Ano'ng klaseng kasabihan naman 'yan? Ulol ka talaga!"

"Eh sino'ng mag-aakala na tayo 'tong mga herudes na hinahanap nila? Na nasa paligid lang nila at sila itong minamanmanan."

"Em! Itigil mo sa profile na 'yan. Daming likes oh."

"Saan? Saglit. Open natin."

Halos 1k na mga batang babae ang naiadd namin dito sa fake account na ito at sa araw-araw iniisa-isa namin kung sino sa kanila ang pwede naming mapaglaruan. Ang iba nirerape lang namin saka iniiwan sa liblib na mga lugar, ang iba naman pinapatay, at may iba na binibenta ang mga laman-loob bago itapon sa ilog ang natirang mga bahagi ng katawan at meron naman na pinapatubos namin sa mga magulang kapag nalaman naming mayaman at may sinasabi sa lipunan.

"Nak ng...! Kilala ko 'to ah! Ang ganda pala ng katawan nito. Hindi ko inakalang ganito ka sexy 'to, tol! Naglalaway ako!"

"Puta, tol! Maghanap ka ng iba. 'Wag 'yan. Alam mo namang parak din 'yan!"

"Eh ano naman? Babae pa rin 'yan, 'tol! Kayang-kaya natin 'yan."

"Nyeta! Naghahanap ka ba ng sakit ng katawan, Jj? S'ya mismo ang isa sa may hawak sa mga kasong kinasasangkutan natin. Kapag pinatos mo 'yan, magbilang ka na ng oras. Sigurado akong mabibisto tayo n'yan. Hindi lang natin alam, baka 'yan mismo ang dahilan kung bakit nakapublic na ang mga photos n'ya. Maaring pakana nila ni Vallesteros 'yan para kumagat tayo sa bitag nila."

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon