Chapter 40: Make up your mind, Maxine

89 4 9
                                        

"Look at you, you little mulish. Nilalagnat ka na pala kung ano-ano pang pinaggagawa mo d'yan."

Narda smile faintly, slightly shaking coz of high fever. She stopped Regina's hand from wiping her face with a wet towel, kissing the back of it.

"Kaya ko, 'di ba? Weren't you satisfied with my performance last night ba? I even fetch water from the well for you and make you breakfast. I'm gonna make harana pa later if you want to."

Biglang nag-init ang magkabila n'yang pisngi. Naalala n'ya pa ang ilang beses pa nilang pagniniig kagabi, maski na ang old-fashioned panliligaw nito kanina bago ito nagsabing hindi na nito kaya ang sakit ng ulo nito, iyon pala nilalagnat na ito.

Narda's duality is killing her. Hindi lang performance nito sa kama ang magaling, maski na sa pagpapakilig sa kanya kahit sa simpleng bagay lang. Maski na sa pagluluto na obviously ay wala itong kaalam-alam.

She turned her back on her. Ayaw n'yang pagtawanan s'ya nito when she sees she's a blushing mess. "I'm not confirming anything, Narda. Ayokong dagdagan 'yang taas ng tingin mo sa sarili. I'll cook soup lang in the kitchen para makainom ka na rin ng gamot. You're sick probably because of that wound in your arm. Nakakainis, ni hindi mo alam paano alagaan ang sarili mo. Alam mong may sugat ka, nagbuhat ka pa ng mabigat."

"So galit ka na n'yan? Bakit ka muna nagbablush?" Pang-aasar pa nito sa kanya.

"Alam mo ikaw? Nanginginig ka na sa taas ng lagnat mo pero nakuha mo pang mang-inis. D'yan ka na nga. Matulog ka muna. Gigisingin nalang kita kapag tapos na akong magluto."

Inirapan lang n'ya ito saka tuluyan ng tumalikod.

She's about to go out of the room when Narda spoke. "I've been shot."

Nanlaki ang mga mata n'ya sa narinig at napabalik sa kinaroroonan nito.

"You were what?! Why? Was it the curse? Is it starting already? I think we should stop this before this bullshit of a curse kills you."

She is panicking. Her mind is in turmoil right now. "What will I do? Will I throw her out of my house kahit may sakit pa s'ya? Pero hindi naman ako ganoon kasama. Tatawag ba ako ng ambulance para madala s'ya sa ospital tapos pupunta ako ng police station para magreklamo at magrerequest ako ng TRO, kunwari stalker ko s'ya at tinangka n'ya akong irape para lang hindi na s'ya makalapit sa akin."

"Maxine, stop! Nahihilo ako lalo sa kakalakad mo d'yan sa harap ko eh." Umupo ito sa kama saka pinigil s'ya sa pagdaan pa ulit sa harap nito. She tapped the space beside her urging her to sit down. Ginawa naman n'ya.

Halata sa mukha ni Narda na nahihirapan din ito sa pagsasabi ng katotohanan kay Regina. "Handa na ba akong sabihin sa kanya ang buong katotohanan? Paano kung totoong may kinalaman s'ya sa patayan? Tapos dito palang patayin na n'ya ako tapos icha-chopchop saka igigrill 'yong laman ko at ipapakain kay Lucho."

Author: Oh 'di parehong nag-overthink ang mga boang.

"Hay! Bahala na nga! Lalakasan ko nalang ang loob ko. A little truth won't hurt I guess?" Sabi ni Narda sa sarili.

"This is difficult for me to admit and I might be beaten up by you for this but I want you to know a piece of me. I want to unviel a part of my truth pero sana bigyan mo ako ng chance na mag-explain bago ka magalit."

Bigla s'yang kinabahan sa kaseryosohan nito.

"Promise me na hindi mo ako ipagtatabuyan after I told you the truth."

"I can't! Paano kung hindi pala katanggap tanggap 'yan?" She's overthinking na. Kung ano-anong scenario na ang pumapasok sa utak n'ya.

Saglit itong natahimik, hesitation is visible on her face.

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon