"Sino? Sino ang putanginang sumira sa mukha ko?" Sigaw ko sa mga tauhan kong nagsisitunguan lang at wala ni isang naglalakas ng loob na tumingin manlang o sumagot sa akin.
"Bakit nakapasok tayo ng mga putanginang 'yon? Paano?"
"Ang mga matador ang nagdala sa kanila dito, boss. Nagpanggap din silang mga maskaradong bisita kaya hindi namin sila namukhaan."
Naningkit ang mga mata ko sa narinig. "Ano ang gusto nilang palabasin? Na malakas sila? Tapos sa mansyon ko pa sila magkakalat? Ako pa ang ipapahamak nila?"
Ibinato ko ang kopitang hawak. Nabasag naman ito sa sahig pero wala ni isa man sang mga tauhan ko ang gumalaw sa mga pwesto nila.
"Ipatawag ang mga matador! Mag-uusap kami!" Sigaw ko.
"Hindi na kailangan, master. Andito na kami."
Naningkit lalo ang mga mata ko ng makita ang dalawang ugok na prenteng naglalakad papunta sa harapan ko.
"Aba't ang lalakas ng loob n'yong humarap sa akin ngayon!"
Yumukod ang dalawa. "Patawad, master."
"Patawad? Mga walang silbi! Mga peste kayo! Ipapahamak pa ninyo ako!"
"Naayos na po namin ang lahat, master. Nabayaran na ang media at wala ni isa mang lumabas na balita sa dyaryo, radio at telebisyon tungkol sa nangyari dito sa mansyon."
"Dapat lang! Mga siraulo kayo! Inilapit n'yo pa sila sa akin."
"Master, ginawa lang namin 'yon upang mailihis ang atensyon ng mga pulis na 'yon sa totoo naming pakay at 'yon ay ang pagkuha namin sa dalawa mong bisita kagabi."
"Ano?"
Ngumisi silang dalawa. "May nabiktima na naman po kami kagabi, master. Babaeng may pulang buhok mula dito sa party ninyo."
Naalala ko ang may pulang buhok na babaeng 'yon pati na ang kasama nitong babae.
Humalakhak ako ng malakas. "Ang gagago ninyo! Harap-harapan n'yong tinira ang mga babae kahit andito ang mga pulis kagabi."
"Ipinakita lang po namin sa kanila, master, na kahit andyan sila, kaya naming mambiktima ng hindi nila namamalayan."
Napangisi ako. "Siguradong nanggagalaiti na ang mga 'yon sa galit ngayon."
Tumawa din ang dalawa. "Sigurado, master. Lalo na si Narda Custodio at si Noah Vallesteros na may hawak sa kasong 'to."
Narda Custodio. Nangunot ang noo ko ng marinig ang pangalang 'yon.
"Sino si Narda Custodio?"
Nagkatinginan ang dalawa saka naglabas ng cellphone ang isang matador. Inabot nito sa akin ang cellphone n'ya na may litrato ng babae.
Nagngalit ang bagang ko sa nakita.
"Sya! S'ya ang sumugat sa mukha ko kagabi."
"Yan po si Narda Custodio, master."
"Her face looks familiar. Not becuase I saw her sa party. But I can recall her face from my memory. Saan ko nga ba s'ya unang nakita?" Napaisip ako kung saan ko nga ba nakita si Narda.
Unti-unting umarko ang labi ko sa isang ngisi.
"Sundan n'yo ang babaeng 'to. Kailangan ko ng mga detalye patungkol sa kanya."
________________
"We've waited more than two hundred years for this, great granddad."
Beast looked at the photo his investigator sent him. It was a photo taken outside Regina's house. A photo of Regina Maxine painting the nude Narda Custodio.
"Mauulit na ang kasaysayan. Malapit na tayong magkita-kita ulit."
A wide grin registers on my now scarred face as I run my fingers on my still sore cheek where that Custodio scratch me.
"Lintik na babae 'yon. Naisahan ako ah. Hindi bale, mas malala ang magiging ganti ko sa ginawa n'ya sa akin."
Beast walk towards a secret room of his mansion. Going into the dark staircase until he stopped in a closed room in the basement.
Halata sa kinakalawang ng kandado na hindi na ito nabubuksan ng kung ilang taon na.
Kinuha ni Beast mula sa bulsa ang may kalumaan na ring susi para mabuksan ang kandado.
Lumangitngit ito ng buksan n'ya ang nakapinid na pinto.
"It's been a while, great granddad. The great Don Lucho Altamirano will continue it's legacy. And how lucky I am to be a part of history. I'm fulfilling the propecy in this generation."
Naglakad s'ya hanggang makarating sa isang may kalakihang baul na nakalagay mismo sa gitna ng kwarto.
I run my fingers thru the italized carved letters on top of the wooden trunk.
"Paulit-ulit s'yang papatayin, sa lahat ng pagkakataon, sa kahit ano'ng panahon, sa iba't-ibang paraan." Basa ko sa nakasulat na mga letra sa ibabaw ng baul.
Alikabok at agiw ang sumalubong sa kanya sa pagbukas n'ya nito.
Naglabas s'ya ng mga litrato mula sa baul.
Sumama ang titig ko sa unang litrato palang. Litrato ng isang babaeng kahawig na kahawig ni Narda Custodio.
"Juana Natividad. Nagbalik kang muli sa katauhan ni Narda Custodio ngunit malas mo at mamamatay ka lang din ulit sa kamay ng apo ni Don Lucho Altamirano."
Nakangising tinitigan ko ang mukha ni Juana Natividad sa black and white na larawan. Nakasuot ito ng baro't saya habang nakatitig sa kinaroroonan ni Maxima Altamirano, my very own great grand-aunt. Walang pinagkaiba sa mukha ni Narda Custodio sa babaeng nasa larawan.
"Magkaiba ng panahon, pero iisa ang mukha. Sa malas ay magkakaparehas ng magiging kapalaran."
Kumuha pa si Beast ng isa pang litrato mula sa baul. Litrato 'to ni Maxima Altamirano na kamukhang-kamukha naman ni Regina Vanguardia sa panahon ngayon.
"My disgusting great grand aunt. Sana hindi s'ya matulad sa'yo, auntie. Pero sa malas ay mukhang wala kayong pinagkaiba. Parehas kayong interesado sa babaeng 'yan! Kaya ka nga napahamak, auntie. Sana lang ay hindi sapitin ni Regina Maxine ang nangyari sa'yo sa nakaraan."
PS: We will return back in time and relive the love story of Juana Natividad (Narda Custodio of the past) and Maxima Altamirano (Regina Vanguardia of the past) in the next chapters. Abangan 😌
BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
Fiksi PenggemarA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...