Chapter 17: Nice scar, Beast!

125 5 2
                                    

"How the hell did we end up here, Noah!?" Sita ko sa kanya habang nakaupo kaming dalawa malapit sa may bar counter. Pinapanood ang iba't ibang sex scenarios na nangyayari ng sabay-sabay sa harap namin.

"Here! Take another shot ng hindi ganyan ang hilatsa ng mukha mo. Hindi nila dapat mapansin na hindi tayo nandito para makiparty sa kanila kundi para hanapin 'yong mga halang ang bitukang pumapatay ng mga babae."

Inisang-lagok ko lang ang tequila na inabot n'ya. Dark romance writer ako at may mga ganitong scenes sa mga isinusulat kong libro. Pero never ko inakalang makakakita ako ng ganito sa totoong buhay.

"This is one heck of an experience, Noah. Hindi ko mapigilang sabay na mamangha at magkadisgusto sa nakikita ko."

"Shhh! We're here for work. Alam natin parehas kung ano ang mahalaga."

Tama naman si Noah. Hindi importante ngayon ang personal na opinion at pananaw ko sa mga ganitong bagay. Kailangan naming magmasid at magbantay.

"Asan na nga pala sina Marquez at Jimenez?"

Tumingin tingin ako sa paligid pero hindi ko sila makita.

"I'm sure andyan lang 'yan. Nagtext sa akin kanina na nasa perimeter lang din sila at nagmamatyag."

"Hmmm... Vallesteros? Sa tingin mo ba mapagkakatiwalaan natin 'yong dalawa?"

Kunot-noo itong napatitig sa akin. "What do you mean?"

"I feel something odd about them na hindi ko madescribe, hindi ko maexplain."

Tumawa lang s'ya. "Nanibago ka lang sa kanila, Narda. Bago palang sila sa team kaya natural lang na manibago at maawkward ka sa presence nila. Masasanay ka din. Saka hindi ba malaking tulong sila sa team natin? Tingnan mo napasok natin itong pinakapribadong party sa lahat ng private party na napuntahan ko. Kung hindi dahil sa connection ng dalawang 'yon, i'm sure hindi natin mapapasok maski na gate nitong mansyon ng hindi pa natin nakikilalang bilyonaryo."

"Isa 'yan sa reason kung bakit ko sila pinaghihinalaan. Ang weird lang na sobrang naging madali para sa atin na mapasok itong mansyon. Walang kahirap-hirap tayong nakikihalubilo sa ibang mga bisita na parang normal lang din na bisita."

"Shhh! Huwag mo ng isipin pa 'yon. May kanya-kanya tayong diskarte sa trabaho at hayaan nating gawin nina Marquez at Jimenez ang diskarte nila. Napakinabangan din naman natin 'yon kaya tayo nandito."

Nagkibit-balikat nalang din ako saka nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid.

"What the..."

Nanindig ang balahibo ko ng mula sa likod ay may humalik sa nakaexposed kong shoulder blades.

Nalingunan ko ang lalaking nakabeast costume. Tanging mata lang n'ya ang nakikita ko.

"Did I scare you? I'm sorry if I did. Let me introduce myself, miss."

Naningkit ang mga mata kong sa walang paalam n'yang paghalik sa balikat ko. Swerte n'ya at hindi ko s'ya nasuntok o nasampal manlang dahil sa pagkagulat.

"I hate talking to strangers, lalo na 'yong mga walang respeto." Pagtataray ko pa.

Pero imbis na lumayo o maintimidate ay tumawa lang s'ya.

"Call me Beast. I'm the owner of this mansion who invited you over."

Naramdaman kong siniko ako ni Noah. Gusto n'yang ayusin ko ang pakikiharap sa lalaking 'to na nagpapakilalang may-ari ng mansyon.

Huminga ako ng malalim saka ngumiti. "Sorry not to recognize you, Beast. Thank you for inviting us over. Your place looks amazing."

"My pleasure, my princess. Would he mind if I dance with you over the balcony?"

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon