Chapter 29: Frustrations and confusion

75 4 6
                                    

"Regina Maxine, sana nasa bahay ka ngayon. Kailangan ko ng kasagutan." Ani Luna habang nakatunghay sa bahay nito mula sa may kalsada.

"Luna?" Hindi s'ya nakagalaw sa kinakatayuan ng marinig n'ya ang boses na 'yon. Kilalang-kilala n'ya kung sino ang nasa likod n'ya ngayon at wala s'yang balak lingunin ito.

Binalak n'yang magbingi-bingihan at kunyari'y maglalakad palayo pero hinawakan s'ya sa kamay ni Narda.

Biglang nagring ang cellphone n'ya na nasa bulsa pero hindi n'ya binalak na sagutin ito. Alam na alam n'ya kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Ikaw nga!" Lalo s'yang nabato sa kinatatayuan n'ya. "Kinakausap kita, Luna. Huwag mo akong subukang takasan dahil hindi kita hahayaan. Pinipilit kong maging rational at huwag magalit ng basta-basta, 'wag mo akong bigyan ng dahilan para saktan ka. Kailangan ko lang maintindihan kung bakit mo ginawa ang lahat ng 'to."

"Lagot, alam na nga n'ya. Ano ang gagawin ko? Isip, Luna. Isip."

Pilit n'yang pinakalma ang sarili bago humarap dito.

"H-hi, Narda. Kamusta? May kailangan ka?" Painosente n'yang tanong habang binibigyan ito ng tipid na ngiti. Ikinuyom n'ya ang kamao para pigilan ang panginginig nito.

"Huwag na tayong maglokohan, Luna. Bakit mo ginamit ang mga pictures at ang katauhan ni Regina para pagtripan ako? And of all people Luna bakit ako pa ang pinili mong lokohin?"

Nakipagtitigan s'ya kay Narda at kitang-kita n'ya sa mata nito ang inis at galit na nararamdaman nito para sa kanya. Maswerte pa nga yata s'ya at nakatitig lang ito sa kanya. Ni wala naman yata itong balak sabunutan o bugbugin s'ya.

"I-... Si Regina! Inutusan n'ya akong lokohin ka, wala akong kasalanan, Narda." Iyon lang ang naisip n'yang matinong sagot.

Nakita naman n'yang lalo itong naguluhan sa sinabi n'ya.

"Why will Regina do that? Ngayon nga lang kami nagkakilala." Hindi n'ya ito sinagot. Mas inuna n'yang mag-isip ng paraan para takbuhan ito. "You know what? I'm not buying it! Hindi mo na ako mapapaniwala ng basta-basta sa'yo, Luna. Halika!"

Narda drag her by the arm towards Regina's house.

"Oh no! Kapag nagkaharap-harap kami, mabibisto na ako."

"Bitawan mo ako, Narda! Nasasaktan ako." Mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

Palapit na sila sa bahay pero hindi pa rin s'ya makakuha ng pagkakataon para tumakas.

"Regina! Regina, si Narda 'to, pakibukas ng pinto."

"Wag mong buksan, Regina. Sana wala ka sa bahay." Luna wishes.

"Reg..." pinihit ni Narda ang doorknob at bumukas naman ito. Hindi pala nakalock ang pinto.

"Regina! May kailangan sana ako sa'yo. Papasok na kami ha?" Sigaw ulit ni Narda habang hinihila si Luna papasok.

"Halika, Narda. Papatunayan ko sa'yong inutusan lang talaga ako ni Regina." Agad na sabi ni Luna ng may maalala noong gabing pinasok n'ya ang bahay ni Regina.

Si Luna naman ang humila kay Narda papunta sa painting na natatabunan ng puting papel.

"Look!"

Hinila ng dahan-dahan ni Luna ang dust cover at bahagyang lumantad sa kanila ang mukha ng babaeng nasa painting ni Regina.

"Kamukha ko 'to ah."

"Narda!"

Akmang hihilahin n'ya na ng buo ang cover ng may biglang humawak sa kamay nito.

"What the..."

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon