Chapter 50: Wicked

78 7 11
                                        

Flashback

She rolled her eyes for the nth time. May kumakatok na naman sa baba and she's sure na si Narda na naman 'yon.

Hindi natigil ang malalakas na pagkatok kasabay ng panaka-nakang pagtunog ng doorbell kaya wala na s'yang nagawa kundi babain ito.

"Hindi ka ba titigil, Nar-..." s'ya ang natigilan pagkat hindi si Narda ang pumasok ng buksan n'ya ang pinto kundi isang matanda at ang nakaalalay ditong dalaga.

"S-sino kayo?" Maang na tanong n'ya sa mga ito. Tinaasan n'ya ito ng kilay lalo na ang dalagang kasama nito na iginiya paupo sa couch ang matanda saka pasimpleng naupo sa pang-isahang upuan 'di kalayuan sa inupuan ng matanda. "Feel at home ah."

"Who are you to barge into my house at this hour? It's almost dawn."

"I'm not sure if i'm still here the next day so i'll make the most out of my stay here. I brought lola from Quezon province pa so it took me hours after seeing dada." Tumaas ang kilay n'ya sa sinabi ng dalaga. "Relax na relax pati pagsasalita, close ba kami? As if may pakialam ako sa kwento nito. Ang conyo pa. Sino ba 'to?"

"Tingnan mo ako, Regina Maxine. Familiar ba ang mukha ko sa'yo?" Tanong din ng matanda imbis na sagutin ang tanong n'ya.

Saglit s'yang napahinto at pinakatitigan ang mukha ng matanda. Her facial features despite the wrinkles, her smile, her eyes, they seems familiar to her.

"Oh my..." natutop n'ya ang sariling bibig sa realisasyon... kamukha n'ya ang matandang nasa harap n'ya.

Nginitian lang s'ya nito saka tumango-tango. "Nagkaharap din tayo sa wakas, Regina Maxine. Rejina Altamirano." Inabot nito ang kamay sa kanya upang makipagshake hands ngunit mas pinili n'yang magmano rito at hawakan ang mukha nito pagkatapos.

"B-buhay ka pa, dok?"

"Parehas na parehas kayo ng naging tanong ni Narda. Bagay ng kayo." Panunukso ng matanda. "Hindi man kapani-paniwalang tatagal ako ng ganito sa mundong ito pero oo, buhay pa ako. Buhay na buhay pa, Regina."

Napaismid s'ya ng maalala na naman si Narda at ang ginawang paglilihim nito sa kanya.

"Naipasok na naman sa usapan ang ulupong na 'yon." She rolled her eyes. "Don't tell me inutusan n'ya kayo para ayusin ang gusot naming dalawa? I'm sorry but I can't do that, dok. Mas maigi ng ganito kami."

Nagulat s'ya ng sampalin s'ya ng dalagang kasama ng matanda.

"Bastos ka ah!" Akmang gagantihan n'ya ito ng itampal nito sa mukha n'ya ang librong hawak. Wala naman s'yang nagawa kundi hawakan ang libro na ibinigay ni Narda sa kanya bago pa ito mahulog sa sahig.

"Masyado ka kasing OA. Masyado kayong OA. Ang drama-drama n'yo." Pagalit na sabi ng dalaga dito. "Ang liit-liit na bagay pinapalaki n'yo." Dugtong pa nito.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit mapagtaguan ng sekreto. Sinira ni Narda ang trust ko. Malaking bagay sa akin 'yon. May karapatan naman akong masaktan, 'di ba? Mahirap bang intindihin na kailangan ko ng space at ng time?"

"What if you don't have enough time?" Napatitig si Regina sa dalaga. Parang familiar din sa kanya ang itsura nito. Parang nakita na n'ya ito somewhere pero hindi n'ya lang matandaan kung saan.

"Ano'ng trust ba kasi ang pinagsasabi mong nasira? Masyado ka lang OA at selosa." Sabi nito habang sinisira ang balot ng painting na natatandaan n'yang  iniwan din ni Narda.

"Aba tanginang babae 'to ah? Close ba kami para pagsalitaan n'ya ako ng ganito?"

"Trabaho ni Narda ang dahilan kaya hindi n'ya sinabi sa'yo na suspect ka n'ya. May confidentiality na tinatawag, tanga!" Nirerealtalk s'ya nito ng malala. "Despite the fact that you are her suspect, she remained harmless and she still respected your privacy. It was Noah, her partner, who did some digging sa pagkatao mo. Narda is just here to overlook things and observe. Obviously ikaw 'yong walang tiwala sa judgment and decision ni Narda. Para sa kapakanan mo din na hindi n'ya sinabi. You might have done something crazy or worst return the money you had to Beast which is basically just a payment for your services as a painter. Masyado lang makitid ang utak mo. Pinoprotektahan ka lang ng tao the way she knows how pero minasama mo pa. You don't know everything yet you judge her and acted like kasalanan n'ya lahat. It's you who had been unfair to her!" Ipinatong nito sa table na nasa harapan n'ya ang painting na ginawa ni Narda para sa kanya.

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon