Chapter 15: Extra service

151 8 2
                                        

“Oh! Uniform mo!" Inabot sa akin ni Jo ang isusuot ko para sa 'party'.

"A-ano 'to?" Mahinang tanong sa kanya.

"Ano pa? Eh 'di uniform n'yo. Akala ko ba naorient ka ni Mae? Ah! Isuot mo na 'yan! Wala akong panahong magpaliwanag pa sa'yo."

Tiningnan ko ang hawak kong 'uniform daw' namin.

"Nak ng... eh mukhang panloob palang 'to ah? Sasabihan ko ang mga kasama kong magreklamo kami. Hindi ito ang tamang uniform para sa mga serbidora na s'yang gagawin daw namin ngayong gabi."

Pero paglingon ko, halos lahat ng kasama ko ay nakabihis na. Mangilan-ngilan nalang ang hindi pero naghahanda na rin para isuot ang 'uniform' nila.

"What the fuck!? Really? No one's gonna complain regarding this?" Muntik ko ng maibulalas kung 'di lang talaga ako nagpigil.

Ni wala manlang natatabunan sa kahit anong parte ng katawan ng mga kasamahan ko sa itim na garter lingeree na pinapasuot sa amin as uniform. Kita ang suso, ang pisngi ng puwet, maski ang kalahati ng pussy... halos hiwa nalang ang natatabunan ng itim na materyal. Palamuti lang na matatawag ang "black boobless garter teddy" na nakikita ko lang sa mga online stores na binibenta para gamitin sa mga seductions at gamit ng mga strippers sa private parties na nakikita ko sa mga pelikula.

"Hoy! Magbihis ka na kung ayaw mong malintikan ka kay Jo at Mar. Baka hindi ka na makauwi ng buhay." Paalala ng katabi ko na nagmimake-up na ngayon.

Agad-agad kong hinubad ang damit ko. "Ano ba 'tong pinasukan mo, Luna?" Halos batukan ko ang sarili. Wala sa hinagap na magsusuot ako ng ganito sa tanang buhay ko. Nag-aral ako ng maayos hanggang sa makatapos para maayos din na trabaho ang mapasukan ko hindi itong daig ko pa ang nagtatrabaho sa cabaret sa suot ko ngayon.

"Ayusin n'yo na ang mga make-up n'yo at tapusin n'yo na ang pagbibihis. Kailangan n'yo ng lumabas para pagsilbihan ang mga bisita. Kailangan ng mailabas ang mga pagkain."

"Magseserve lang pala ng pagkain, bakit ganito talaga ang kailangang suot?" Bulong ko.

"Sa mga may alinlangan pa sa trabahong pinasok nila, mamili nalang kayo kung paano n'yo gustong lumabas sa mansyon na 'to. Gagawin n'yo ang trabaho n'yo, mababayaran kayo at makakauwi kayo ng maayos o bubulong-bulong kayo d'yan, magrereklamo, susuway kaya marapat na ipakain nalang ang tinadtad na mga katawan sa buwaya at pating na nasa dagat sa likod ng mansyon na 'to. Sige, mamili kayo!"

Tumalikod na ang tinawag ng isa na si Mar at lumabas ng kwartong kinaroroonan namin.

"Oh kita mo na? 'Wag ka ng magreklamo pa! Malaki naman ang bayad kaya sumunod ka nalang." Bulong ng katabi ko kanina.

"Ano ba kasi ang gagawin natin dito?" Pabulong na tanong ko sa kanya habang minamadali ang pagsusuot ng garter lingeree.

"Ano pa eh 'di magserve ng alak at pagkain sa mga bisita."

"Iyon lang?"

Nginisihan n'ya ako saka tinitigan mula ulo hanggang paa. "Malalaman mo rin mamaya. Sa kaso mo, mukhang marami ang magkakainteres sa'yo pero huwag kang mag-alala, ang bawat hipo at halik may bayad. Bilangin mo lang. Extra service means extra pay." Tumawa ito saka isinuot ang pulang mask na kasama ng garter lingeree na ibinigay sa amin.

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi n'ya pero wala akong magawa kundi sumunod kaysa makain ng pating o buwaya. Paano na ako?

"Tama! Hahanapin ko si Narda sa mga bisita, saka magpapatulong ako sa kanya para makalayo sa lugar na ito. Sasama ako sa kanya paalis. Total s'ya naman ang talaga ang dahilan kung bakit napadpad ako sa lugar na 'to."

UNCOVER JANE DOETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon