"Play fair!? Kayo 'yong unfair Regina Maxine! 'Di ba anak kita? Bakit mo piniling kampihan 'yang si Custodio?" Sigaw ni Beast sabay bunot sa punyal na tumama sa braso n'ya.
"Huwag kang lumapit!" Ganting sigaw ni Narda sabay tutok dito ng baril na dinala ni Regina para magamit n'ya.
"Sige iputok mo lang! Akala mo ba natatakot ako?" Sumugod si Beast sa kinaroroonan ng dalawa.
Pinaputukan nga s'ya ni Narda sa dibdib para patigilin sa akmang pagdaluhong sa kanila ngunit hindi manlang tumalab dito ang bala.
Bago pa nakahuma si Narda sa pagkagulat ng hindi manlang gumana ang bala nito, inundayan na ito ng saksak ni Beast.
Napapikit nalang si Narda ng alam n'yang masasaksak na s'ya nito ngunit imbis na saksak... yakap ni Regina ang naramdaman n'ya.
"M-maxine..." nanlaki ang mga mata n'ya ng mamulatan n'ya itong nakangiti sa kanya. "B-bakit? Bakit mo sinalo, Max?"
"Baguhin natin ang tadhana, love. Hindi ka mamamatay ngayon."
"Dexter!" Sigaw mula sa likod nila.
Napalingon silang tatlo sa pinanggagalingan ng boses. Naguguluhang napabalik-balik ang titig ni Narda sa dalawa habang lumayo naman si Beast. Naiwang nakatarak sa likod ni Regina ang punyal na dapat isasaksak nito kay Narda pero kay Regina tumama.
"D-dad..." napangiti si Regina kahit na napapangiwi na sa sakit dulot ng pagtarak ng punyal sa likod nito. "I believe you now. Hindi ka nga masamang tao."
"Anak... Of course, anak." Rex stopped to look at her daughter and smiled. Saglit lang bago nito nilapitan ang kakambal na si Dexter.
"Ano'ng ginawa mo, Dexter? Bakit mo sinaksak ang anak ko?" Dinaluhong ito ni Rex ng suntok. Tumilapon naman ito sa lakas ng suntok ng kakambal.
"Hindi ko sinasadya, kuya Rex..." puro salag lang ang nagagawa nito habang sunod-sunod na suntok ang natatanggap nito mula sa kakambal.
"Putangina! Hindi ba sinabi ko na sa'yong tigilan mo na ang pagpapaniwala sa walang kwentang propesiya na 'yon? Pero ginawa mo pa rin!"
"Obligasyon ko 'yon sa pamilya! Obligasyon na dapat ay sa'yo!" Sinipa ni Dexter si Rex dahilan para matigil ito sa sunod-sunod na pagsuntok sa kanya.
Ngunit kaagad na bumangon si Rex at pinagtatadyakan si Dexter.
BINABASA MO ANG
UNCOVER JANE DOE
FanfictionA #JaneNella #DarLentina [DARK ROMANCE FanFiction] Have you experienced being fooled in social media? Like someone's trying to catch your attention using another persons face and personality? Well, Narda Custodio did. She grow fondness with a facebo...