CHAPTER 4

6 0 0
                                    

Tila naglaho siyang parang bula pagtapos ng kasunduan namin. Iba ang priority ko kaya hinayaan ko lang siya hanggang sa maka received ako ng text sa kaniya kahapon.

"May lakad ka? Tinakasan mo na nga ako last time," Si Jeppy.

Tinutukoy niya 'yung nag bar kami. Pagkatapos kasi naming magkasundo sa kalokohan ni Kenzo, diretso ang hatid nito sa akin.

"Bakit? Nagtext naman ako no'n, ah?"

"Kahit na, 'no! Saan ka ba kasi? Sama na lang ako?"

Sinara ko ang librong binabasa. Binigyan kami ng prof ng thirty minutes to review wherever we want, and I choose to review here in our library. Saktong free time ni bakla at dito rin sila nakatambay ng mga kaibigan niya, nakiki-aircon, nagkita kami.

Kinukulit niya akong samahan siyang mag mall kaso may kasunduan na kami ni Kenzo ngayong araw. After two weeks of no contact or anything.

"Babawi na lang ako sa 'yo sa susunod, promise,"

Humalukipkip ito at ngumuso. Natawa ako sa mukha niya. May kakapalan kasi ang labi ni bakla kaya mukha siyang bratz kapag nag pa-pout.

"Libre na lang kita?"

"Pinagpalit mo na ako, Daciana Viennese! Akala ko ba best friends tayo?"

Natawa ako sa sinabi niya. He's my best friend, that's true. He's fun and outgoing, super opposite ko.

Pinagpatong ko ang mga librong hiniram ko at ginilid muna iyon.

"Bukas. May lakad kasi talaga ako ngayon, hindi ka naman nagsabi in advance,"

"Saan ka ba? May kasama ka?"

"Mayroon. Kaya bawal ka sumama, bukas tayo aalis. Libre ko pa."

Ang mga tingin niya sa akin ay nang-aakusa. Natawa na lang ulit ako at iling. He doesn't know about Kenzo yet, and I wonder how he will react if he finds out.

Nanliit ang mga mata niya sa akin.

"Kaibigan?"

I shake my head. "No..."

"Kaklase?"

"No..."

"Family? Umuwi si Kuya Gio?"

I laugh and shake my head again. "No!"

"Oh my God... Boyfriend mo?"

I just laugh and shake my head again and collect my things. Tila naalarma naman siya sa tawa at hindi ko pagsagot, napatayo siya nang isukbit ko ang bag ko sa aking balikat.

"Davi!" Paghihimutok niya nang sumabay ito ng lakad sa akin.

Nakapalupot agad ang mga braso niya sa braso ko, at para siyang bata habang bahagyang pumapadyak sa sahig ang mga paa habang naglalakad kami.

"Ipapakilala ko na lang kapag okay, okay?"

"Huy, ang secretive, nasasaktan ang puso ko! Akala ko pa naman ako ang unang makakaalam sa bagay na 'to!"

"Loka!" I laugh softly again.

Kinuha niya ang ibang librong hawak ko at tinulungan ako sa pagbabalik no'n sa shelves.

"Nakakatampo talaga, pero sige! Kailan mo ipakikilala sa akin?"

"Hmm... I'll set it. Hindi pa naman sure kung magtatagal, huwag mo nang kilalanin-"

Sumandal siya sa book shelves at humalukipkip.

"Bakla, kahit isang linggo lang ang itagal niyo, kailangan ko siyang makilala! He's your first boyfriend, Davi! First!"

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now