"Dav, sabay na tayo uwi mamaya? Tapos mo na lab report mo?" Si Mayette.
"Tatapusin ko mamaya. Bakit? Saan tayo pupunta?"
"Meet ulit kami ni Timo sana?"
"Ay," nasabi ko na lang, may konting ngiwi. "Pass."
"Sabi ko nga," bumuntonghininga siya.
"Bakit? Second meet niyo na, ah?"
"Third na,"
"Oh? Bakit nagpapasama ka pa rin? Ayaw mo alone time?"
"Gusto raw mag sorry ni Timo dahil kay Marc,"
"Okay lang kamo. Wala na 'yon. Saka pupunta sa unit si Evander, eh,"
He won the entry. Tuwang-tuwa siya kanina nung tinawagan niya ako, panay siya tawa. Parang ang daming sungay ng tawa niya.
"Sige. Una na ako, nandiyan na si Timo, eh. Hatid ka na kaya namin?"
Umiling-iling ako. "May dadaanan pa ako,"
"Okay. Ingat!"
"Ingat," I wave at her.
Dumaan muna ako sa mall para bumili ng cake. Reward niya. Nag commute lang ako kaya medyo natagalan sa traffic.
Pagdating ko sa unit, nag-asikaso agad ako ng sarili para makapagluto na ng dinner. Alas siete pa ang uwi ni Evander kaya baka alas nueve na 'yon makarating dito. Habang naghihintay sa kaniya, nanood na lang muna ako ng Grey's anatomy.
Inangat ko ang paa ko sa sofa at akmang hihiga pagtapos ng ilang oras na pag-upo habang nanonood nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Inabot ko ang phone ko sa mesa para tingnan ang oras.
21:11
Bumalik ang tingin ko sa doorway at agad na napangiti nang lumitaw siya. Malaki rin ang ngiti sa mga labi niya at basta na lang binaba ang bag at lumapit sa akin.
Binuka ko ang dalawa kong kamay kagaya niya. Mahigpit niya akong niyakap ngunit hindi lang 'yon, hinalikan niya agad ako.
"I won the entry," he says, anticipating something, when he lets go.
Napigil ako ng tawa. "Congrats,"
"Yeah?" Akmang yuyuko ulit siya nang ilayo ko ang mukha ko sa kaniya. "What?"
"Agad-agad?"
Tumawa siya at hinawakan ang likod ng ulo ko. "So?"
Hindi niya ako binigyan ng chance para makapagsalita pa. Halos mapahiga ako sa sofa habang panay siya lamutak sa mga labi ko. Kumapit ako ng mahigpit sa dibdib niya at sinubukan siyang itulak ngunit lalo niya lang diniin ang sarili niya sa akin. Nawawalan na ng lakas ang siko kong nakatukod para hindi ako tuluyang mapahiga.
Habol ko ang hininga ko nang lumayo siya sa akin.
"You have a lot of lessons to learn, Daciana. I won't mind you in my private class,"
Hinampas ko ang dibdib niya ngunit tinawanan niya lang ako. Muli siyang yumukod para sa mga labi ko.
He's a kiss addict. Hindi niya tinantanan ang mga labi ko. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako, maaawa, o matatawa nang sa bathroom ang diretso niya pagtapos niyang pagsawaan ang mga labi ko. I won't deny the fact that it also affected me, but not as much as it affected him. He can't hold it back, bigla na lang siyang umalis sa ibabaw ko at tumakbo sa banyo.
Tiningnan ko ang oras. Almost 10 minutes lang naman, pero nasa banyo na siya agad? Natawa ako. Ramdam ko pa rin ang hawak niya sa bewang ko. Parang nakapress pa rin sa akin ang kamay niya.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.