CHAPTER 20

6 1 0
                                    

"Thank you, good luck kay Tito Vinny! Thanks, Dav, ingat kayo!" Si Jeppy nang maihatid namin siya sa bahay nila. 

"Pasabi na lang kila Tita, Merry Christmas," sambit ko. 

"Yeps! Kumusta mo ako kay Tita Denise," 

Tumango ako. Kinawayan ko siya bago kami bumalik sa loob ng sasakyan. Maayos kong sinuot ang seatbelt ko at malalim na humugot ng hininga. 

"Are you ready?" Tanong ni Evander nang i-start niya ang sasakyan. 

"Tara na." Tanging sagot ko. 

Natawa siya at bumusina muna bago kami pinaandar. 

Hindi kalayuan ang bahay nila Jeppy mula sa amin dahil nasa iisa lang naman kaming subdivision. Limang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay, pero hindi muna kami bumaba. Pinagmasdan ko ang buhay mula sa labas. Ka-text ko si Mama kanina pa kaya alam kong wala si Papa ngayon, may dinaluhan daw na Christmas party, pero kinakabahan pa rin ako. 

I inhale and exhale first before I open the door. Evander went out of the car as well. Mabilis siyang naglakad palapit sa akin habang binuksan ko naman ang backseat. 

"Ako na riyan," aniya. 

Tumabi ako at hinayaan siyang kunin ang gamit namin. 

"Akin na 'yang mga 'yan," I point at the gifts. 

Kinuha niya ang mga 'yon at inabot sa akin ngunit huminto rin siya at nilingon ako.

"Mamaya na kaya natin ibaba ang mga gamit natin?" Aniya. 

"Hm? Bakit? Ikaw bahala." 

Muli niyang inayos ang backpack namin at iyong mga gifts na lang ang kinuha niya. 

"Mamaya na." Aniya nang matapos. 

Sinara niya na ang pinto at ni-locked iyon bago inagaw ang mga bitbit kong paper bags. 

"Let's go," aniya. 

Binuksan ko ang gate at naunang maglakad sa kaniya. Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad si Mama na nakatayo habang hawak ang remote, nakayakap sa bewang niya si Draia. 

"Ate!" Si Derson at David na tinalon pa ang sofa para salubungin ako ng yakap. 

Parang napawi agad ang kaba ko sa mga yakap nila. Kayang-kaya kong mag-stay rito buong Christmas break kung sila lang ang kasama ko. Hindi ko kayang magtiis sa ugali ni Papa. 

"Ate Dadav!" Si Draia na nahuli. 

"Miss niyo 'ko?" Tanong ko sa kanila. 

"Ate, sabi ni Kuya Gio may regalo raw siya sa akin?" Si Derson. 

"Akin din!" Si David. 

"I missed you, Ate Dadav." Si Draia. 

Tinabig ko si Derson at David para yakapin ng mahigpit ang bunso namin. Siya lang ang naka-miss sa akin! 

"Missed you, too, bunso," 

"Ate," si Derson. 

Lumayo ako kay Draia at pinisil ang pisngi niya. 

"Paupo muna kami," 

Lumapit ako kay Mama para humalik sa pisngi niya. Lumagpas sa likod ko ang mga mata niya nang lumayo ako kaya nilingon ko si Evander. 

I stretched my arms to him, urging him to come close to us. 

"Siya ba?" Tanong ni Mama. Tumango ako. 

"Van, Mama ko. Denise Esquivel." 

He extends his hands for her. "Evander Rivera po, boyfriend ni Daciana." 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now