Panay ang tawanan namin nang magkaroon na sila ng mga tama. Paano, si Dave at Ben kung ano-anong kinakanta. Si Arvin, Saldy, at Howie sumasayaw na sa kalasingan. Si Evander, siyempre, yakap-yakap ako. Kulang na lang sa upuan niya na rin ako umupo o 'di kaya'y kumalong na lang ako sa kaniya.
Panay ang tawa ko habang dinu-duet ni Arvin at Dave iyong pare mahal mo raw ako. Paano, naghahawakan sila ng pisngi sa harapan namin! They are acting based on the emotion of the lyrics.
Tumalikod si Arvin kay Dave. "At kung higit pa ro'n, pasensya na, 'di ko makakaya.
Pare, kaibigan lang kita."Panay ang tawa at palakpak ko nang muli siyang humarap kay Dave at pinagdikit ang mga noo nila.
Hindi ako masyadong umiinom dahil ayaw kong malasing. Si Evander, hindi pa naman lasing sa tingin ko. Matino pa mga sinasabi, eh.
"Swimming tayo," bulong niya.
"Ngayon na?"
"Hm. Pampatanggal tama."
"Tara,"
Nauna akong tumayo at naglakad, ngunit hinawakan niya ang kamay ko at sumabay sa akin pababa sa hagdan. Busy sila sa kasiyahan kaya hindi ko alam kung napansin ba nila kami.
T-shirt lang ang hinubad ko at lumusong na sa tubig. Naupo ako sa huling palapag nung hagdan habang tumuloy naman ng langoy si Evander. Pinanood ko lang siya. Huminto siya sa bandang gitna at tumayo ro'n.
"This is no fun." Aniya dahil hanggang dibdib niya lang 'yung water.
Tumawa ako at inabot sa kaniya ang dalawang kamay. Lumangoy siya pabalik sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Dahan-dahan akong bumaba sa tubig, naglalakad, hanggang sa hindi ko na abot kaya yumakap ako sa kaniya.
We settle at the deepest part of the pool
"I wanna swim in the ocean," he says.
Tiningnan ko iyong dagat na parang may galit ang alon.
"Malakas ang alon."
"Sayang. Naligo kami kanina nila Saldy, sa ilog kami dumaan,"
I look at him again. "Really? Sa dagat?"
"Sa pangpang lang. Nanghihigop 'yung alon, eh. Hindi na kami tumuloy, mag di-dilim na. Delikado."
I nod and steal a peck on his lips. "Smart decision."
Agad na bumanat ang mga labi niya hanggang sa makita ko ang perfect set niyang ngipin.
"Will I get a kiss from every smart decision?" He asks.
"Why not?"
Tumaas ang kilay niya. "I deserve more, then? You're a smart decision."
Nanliit ng mga mata ko at kunyari ay nag-isip. "Parang hindi lang kiss 'yung nakuha mo sa desisyon mong 'yan?"
He threw his head back laughing. I just watch him laugh and I can't help but feel so full with it. As if his laughter is a medicine to my heart.
"God, what are you doing to me?" Sambit niya na tinawanan ko lang.
Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya, may multo ng ngiti sa mga labi. Yumuko siya at pinatakan ako ng halik sa mga labi bago ako muling tiningnan sa mga mata. Muli siyang yumuko at inabot ang mga labi ko, ngunit mas matagal na, tapos tumigil siya at muling pinatakan ng halik iyon.
He throws his head back again problematic and he says, "Damn… you're making me crazy."
Tinawanan ko lang siya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Tiningnan ko iyong dagat sa harapan namin.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.