We listened to all the words of the local guide. We want to have fun, but we don't want harm to the whales.
Nakatayo lang ako habang inaayos ni Evander ang diving gear ko. Hindi niya, nila, first time na mag dive. First time ko ngayon. Halos lahat ng circle na nasamahan ko ay studious, sa library ang bonding namin, may konting inom, pero hindi ganito. Evan's friends are all adventurous.
Wera made me wear a swimsuit. One piece naman siya at medyo conservative, pero hindi ako sanay sa maraming tao na kaedad ni Evander. But she's Wera. She didn't stop hyping me earlier simula nang makarating kami rito hanggang sa makasakay kami ng boat.
"Huwag kang lalayo sa akin," si Evander.
"Bahala ka."
Kasi puwede naman ako mag whale shark watching sa designated areas, ayaw niya. Mas enjoy raw kapag nag dive. Alam ko 'yon, pero kasalanan niya na nanlalambot ang mga binti ko.
He chuckles and kisses the top of my head. "You can do it. Labanan mo ang panghihina ng binti mo,"
"Heh? Nakakatawa."
Muli siyang tumawa at hinaplos-haplos ang pisngi ko.
"Sorry, next time magpipigil na ako. But you're at fault too," kunot noo ko siyang tiningnan. Bumaba ang bibig niya sa tainga ko at hindi nakatakas sa akin ang ngisi sa mga labi niya. "How can I maintain control when you look so gorgeous with those expressions?"
Nagtayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa bulong niya. Tinulak ko siya palayo sa akin.
"Wera!" Tawag ko sa kaibigan.
I see her raise her hands at the far side. "Here!" She says.
Nag-aayos siya ng diving gear niya. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya habang tumatawang sumusunod sa akin si Evander.
Ganoon ba? Hindi na niya ako mahahawakan.
Hindi humiwalay sa akin si Evander sa ilalim ng dagat. May dalang GoPro sila Wera kaya panay rin kami take ng pictures with the whales although malayo ang distance namin sa kanila. 'Yung iba nga lang kusang lumalapit sa amin. Nung lumagoy ako palayo kay Evander ay may sumunod sa akin na whaleshark. I let him circle around me though I'm scared. I didn't touch it or anything, I just let him do what he wants while I remain steady. Kusa rin siyang lumayo sa akin.
Ako ang unang umahon sa kanila. Naka-upo lang ako sa gilid ng bangka, nagbababad ng paa habang nasa dive pa rin sila Evander. I take out my phone to take a photo of the beautiful ocean. Matirik na rin ang araw kaya mainit na, pero kaya naman ng sunscreen 'yan.
Nang umahon din si Evander, tumabi siya sa akin. Inakbayan niya ako at kinuha ang cellphone ko. He took several pictures of us together. Nagpa-picture din kami sa bangkero habang nakalublob ang paa namin sa tubig. Alas tres na nang magsipag-ahunan sila. Dumiretso agad kami ng drive para kumain ng late lunch. Kahit ang tagal nila sa tubig, hindi ko sila nakikitaan ng pagod. Ako, gusto ko nang matulog.
"Saan tayo bukas?" Tanong ni Dave.
Tahimik sa tabi ko si Evander. Ang braso niya ay nasa sandalan ng upuan ko.
"Ozi camp." Si Wera.
"Overnight?"
"Oo. Alas tres tayo punta,"
"Maganda ba riyan?" Tanong ni Kevin.
"Eh 'di kapag hindi maganda, umuwi ka."
Naunang tumawa si Saldy sa sagot ni Wera. He gave Kevin a middle finger and Kevin gave him two. Napatingin ako kay Evander nang lumapat sa balikat ko ang kamay niya. Pumisil-pisil siya ro'n.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.