Maaga kaming nagising kinabukasan. Si Tita Eiselle at Yierin lang ang humarap sa amin sa hapag dahil tulog pa raw ang dalawa niyang lalaki.
"So, what's your plan for your birthday this year?" Tanong ni Tita.
Again with his birthday that he never once mentioned to me. Nilingon ko si Evander habang tahimik na kumakain.
"Sleep?"
"Sleep? How about you go with us? You can bring Daciana, too!" Bumaling sa akin si Tita Eiselle. "Do you have a passport, hija?"
"Mayroon po…"
She clasps her hand with a big smile on her lips. "Would you like to go with us? Asia tour. Hongkong first, then Singapore, tapos Thailand?"
"Ma." Si Evander. "Hindi siya puwede sa ganiyan, busy siya,"
"Huh? Why? Do you have work? Take a leave, I'll pay for your wages!"
Pilit akong napangiti. Pay for my wages just so I could be with them on their Asia tour?
"Ma, sa school siya busy,"
"Ganoon ba? Magkano ba ang suweldo ng anak ko at mukhang dedicated siya sa pagiging spokesperson mo?"
"Ma." May pagbabantang sambit ni Evander na tinawanan lang ni Tita.
Napangiti na lang ako. Kanina ko pa rin napapansin na mukhang off the mood ang lalaki sa tabi ko.
"Hindi po ako puwedeng umalis, eh. Baka po biglang may kailangan sa school,"
Actually, ayaw ko lang na mas ma-badtrip si Evander. Baka masira rin ang mood ko.
Ngumuso si Tita. "Ganoon ba? Sayang naman… hindi ba puwede bayaran na lang 'yon?"
"Ma." Banta ulit ni Evander.
"I'm kidding, okay? Pero kung puwede-"
"Mama-"
"Alright, alright! Puwede ba kitang bayaran para manahimik ka?"
Hindi ko alam kung mag-ina ba talaga sila. Hindi ko rin alam kung ganito sila mag-usap o may sama sila ng loob sa isa't-isa.
Pinanood ko silang dalawa na magtitigan. Si Tita Eiselle ay nakangiti lang, tila nang-aasar, habang seryoso naman si Evander. Napipikon. Sinubo ko ang huling kutsara ng kanin sa plato ko at uminom ng tubig. Tiningnan ko ang oras sa relo na suot.
"Uh… tingin ko po mauuna na kami, Tita. Thank you po sa breakfast at pagpapatuloy,"
Lumipat sa akin ang tingin ni Tita.
"Already?" Tumingin din siya sa relo na suot. "Oh… hatid ko na kayo sa labas,"
Pinunasan niya muna ang magkabilang gilid ng labi niya bago tumayo. Inalalayan niyang bumaba si Yierin sa bangko at hinawakan ito sa kamay. Inayos ko naman ang kubyertos sa plato ko bago tumayo. Sumunod lang ako kay Evander nang mauna siyang maglakad sa akin, ngunit bago pa man kami makalabas ng bahay, nilingon niya ako. Huminto siya nang makita ang pagitan namin. He stretches his hand for me. I flat smile and hold it. We walk outside the door holding hands.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ngunit hindi agad ako pumasok. Hinarap ko si Tita na hawak si Yierin.
"Mauna na po kami, Tita. Thank you po,"
"Ingat kayo. Bisita ka ulit, ah?"
Ngumiti ako st tumango. "Opo."
Nagbaba ako ng tingin kay Yierin at nginitian siya. Nang bahagya siyang ngumiti sa akin, nahihiya pa rin, para akong kiniliti sa tuwa. Nilapitan ko siya at umupo sa harapan niya para magpantay kami.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.