Nang magsimula ang klase, nagpakangudngod na naman ako sa pag-aaral. May mga groupings kami para sa demo. Tapos mag i-start na kami sa hospital.
"Dav..." pag-ungot ni Mayette habang nakayakap sa braso ko. Tinawanan ko siya.
Lumbay siya nung pinakita sa amin 'yung groupings at magkaiba kami ng group. May kasama kaming ibang section sa group.
"Okay lang 'yan, hindi naman permanent group,"
"Paano 'yung kaba ko?"
"Ganito pa lang kinakabahan ka na, paano pa kapag nasa hospital ka na talaga?"
"Kaya nga, 'di ba? Makakalayo pa ba ako sa 'yo?"
"Gaga,"
Dumaan kaming tatlo sa mall para sana kumain lang nang nagkaayaa kaming dumaan sa medical depot para mamili. Si Mayette ang nakaisip, nagustuhan ko, curious naman si Jeppy kaya nagpasiya kaming dumiretso sa unit ko kasama ang mga injections at kung ano-ano pagtapos.
Kinuha ko ang aking medical kit at nilapag iyon sa gitna ng lamesa. Mayette set the camera while I arrange the things we need for IV infusion.
"Dali, papanoorin ko kayo!" Excited na sabi ni Jeppy, pumapalakpak pa.
"Ikaw ang pasyente bakla, bakit excited ka?"
Agad nawala ang excitement sa mukha niya na kinatawa namin. "Gago ka ba? Manonood lang ako, uy!"
"Ah? Ikaw 'yung pasyente, tanga! Ako magtuturok sa 'yo, si Dav sa akin tapos ako kay Davi!"
Ngumiwi ang mukha ni Jeppy. "Huh? Sino ka para magdesisyon ka ng ganiyan?"
Natawa ako at pumalakpak. Pinatong ko ang throw pillow sa hita ko. "Tara, tara! Akin na kamay mo, Mayette,"
"Next ka, Jeppy." Sambit niya bago tinalikuran si bakla para humarap sa akin.
Nilapag niya ang kamay niya sa table.
"Uy, seryoso ba?" Si Jeppy.
Tiningnan ko siya. "Siyempre. Tatlo kaya tayong nandito?"
Tumili-tili siya at umaktong nababaliw. Pinanood lang namin siya ni Mayette, tumatawa, habang ginagawa niya 'yon. Hinawakan niya sa balikat si Mayette pagtapos at seryosong sinabing, "kay Davi ako, tumabi ka."
Tawa kami ng tawa ni Mayette.
"Tangina mo, para kang gago!" Si Mayette nang umalis siya sa harapan ko.
Impit na tumili si Jeppy nang palitan niya si Mayette sa harapan ko.
"Kamay," sambit ko.
"Hindi ba puwedeng sa puwet na lang?" Ninenerbyos na tanong ni bakla.
"Puwede."
"Seryoso nga?" Gulat niyang tanong.
Natawa ako. Sinuot ko ang gloves at sinadya kong patunugin ang isa. Mangiyak-ngiyak si Jeppy habang nakatingin sa kamay kong may gloves na. Pinigilan ko ang humagalpak ng tawa.
"Seryoso ako. Gusto mo search mo muna intramuscular injection,"
"Ih!" Nanginginig-nginig niyang sabi. "Dalian mo na!"
Bagsak ang panga ko nang may tumulong luha sa mga mata niya na agad niya namang pinunasan. Halos humiga na ako katatawa dahil sa kaniya.
"Huwag ka na nga, baka himatayin ka pa!" Sambit ko.
"Tangina mo, bilisan mo na!"
"Amputa, umiiyak!" Si Mayette na humahalakhak din.
Jeppy grabs my hair, but I remain laughing. Pilit kong pinahinto pagtawa ko at tiningnan siya. Saka niya lang ako binitawan.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romantizm"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.