CHAPTER 18

5 0 0
                                    

Agad ko siyang tinadtad ng tanong tungkol sa Instagram account niya. Kahit nagluluto siya, tuloy ako sa pagtatanong. 

"Sabi mo i-pursue ko rin ang photography?" Anito. "Ayan. Ikaw ang subject,"  

Right. Sabi ko tutulungan ko siya na i-pursue niya ang photography, pero wala naman akong ginawa para sa kaniya. 

"Marami pa akong picture sa 'yo?" 

"Naka album sa phone ko. Bakit?" 

Umiling-iling ako. "Kailan mo tinake 'yung mga 'yon? Never kita nakitang mag take ng picture,"  

Natawa siya. Pinatay niya ang induction at nilingon ako. "Paano mo makikita, wala naman atensyon mo sa akin?" 

"Ganoon? Halos palagi na kaya tayong magkasama? May damit ka na nga sa labahin ko, eh," 

"'Di ba? Halos dito na ako tumira, pero never mo akong nakitang picture-an ka. I don't even hide it," 

Natawa ako. "Nagtatampo ka?" 

"Sino'ng hindi magtatampo sa 'yo? Pinakita sa akin ni Kevin 'yung story no'n, kasama ka, tapos tayo wala man lang picture?" 

Bumukas ang bibig ko ngunit hindi ko nagawang i-counter ang sinabi niya. I don't wanna laugh at him, but he's funny! 

"Dami kong picture sa 'yo tapos walang kasama ka?" 

"Gusto ko 'yung alam mo," 

Tumalikod siya sa akin at inayos iyong niluto niya. Kumuha siya ng lapagan para sa mesa at nilapag doon ang pot. Pinanood ko lang siyang kumilos hanggang sa matapos siya at maupo sa tapat ko. 

"Bakit hindi mo ako sinasabihan?"

Saglit niya akong tinapunan ng tingin. "Just because,"

"Just because, tapos nagtatampo ka?"

"Just because rin,"

"Para kang ano. Puwede naman tayong mag picture. Eh 'di mamaya pagtapos kumain?"

"It's fine, picture lang naman 'yon, palagi naman kitang kasama,"

Natawa ako at napa 'weh' na lang.

"Pero nagtatampo?"

"No, I'm not. Wala naman sa aking kung may picture kayong dalawa tapos tayo wala. It's just a picture,"

Hindi ko napigilan ang humalakhak. Sinadya kong hindi na i-bring up pa ang about sa picture para lalo niyang dibdibin. Mabilis lang akong natapos kumain. Hinintay ko siyang matapos din bago ako tumayo sa lamesa. Ako na ang nag-ayos ng pinagkainan namin habang dumiretso naman siya sa sala. Tiningnan ko ang orasan. 

Tinabi ko muna ang mga hugasin at nagpunas ng kamay.

"Gusto mo manood movie?" Tanong ko nang pabagsak na maupo sa tabi niya.

"Maya-maya," sagot niya habang wala ang atensyon sa akin. 

Tiningnan ko ang ginagawa niya sa phone. He's editing pictures. Ilang sandali akong tahimik lang sa tabi niya, nanonood, bago ko nilabas ang sarili kong phone. Nilagay ko ito sa camera. Umayos ako ng upo. Hinawakan ko ang panga niya at ngumiti saka pinindot ang shutter. Hindi ko napigilan ang tumawa. Muli akong umayos ng upo at inakbayan siya. Nakangiti pa rin ako habang naka straight face lang siya. Muli akong natawa bago lumayo sa kaniya para tingnan ang pictures. 

Maayos naman ang itsura ko kasi handa ako. Pero mas maayos pa rin ang itsura niya kahit hindi naman siya handa. You will really realise how unfair the world is through camera. 

Biglang nawala sa kamay ko ang phone ko. Hinablot niya iyon. 

"You don't know how to take proper picture," aniya nang akbayan ako. 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now