I wake up sore from all the love making last night. Parang mas nalasing pa ako sa naging takbo ng gabi namin kaysa sa lahat ng alak na ininom namin sa Bicol.
Nanatili akong pikit kahit gising na. Nakadagan sa akin ang braso ni Evander na hindi ko sigurado kung gising na ba sa likod ko. Bahagya akong gumalaw.
"Good morning, love," bati niya.
Bahagya ako tumagilid para makita siya. Halatang kagigising niya lang din, ngunit may ngiti agad ang mga labi niya. Hindi ko naiwasan ang mapangiti rin dahil doon. He lowers down his head for my lips. He kisses me for a minute before he looks at me again and then he takes a lot of peck from my lips until I can't help but laugh.
I turned my back to him again. Parang ayaw niyang tumigil kahahalik sa akin. He kisses the back of my head this time.
"I love you." Aniya.
My eyes shut automatically when I heard him say that and my lips stretched even more. Ang sarap pakinggan.
"What do you want for breakfast?" Tanong niya.
"Anything. Gusto ko kumain sa roof deck mo."
"Got it. Anything else my baby wants?"
I just shake my head for an answer. He kisses me on my shoulder down to the back of my shoulder and then the back of my ear.
"I love you," he whispers.
"Alam ko,"
"I love you." He says, wanting a specific answer.
Natawa ako ro'n. "I love you, too."
Narinig ko ang mahina niyang tawa at muli hinalikan ang balikat ko.
"I love you so much." Sambit niya ulit.
"Hindi naman nakakabusog sa tiyan 'yan, eh. Luto ka na,"
Tuluyan na siyang tumawa at humiwalay sa akin. Hinarap ko siya nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. I watch him as he stretches his arms and body before he stands up naked. I smirk when I see him gloriously walking towards the bath.
Sexy ass.
Hinanap ko naman ang damit ko at panty na natagpuan ko sa baba sa gilid ng kama. Sinuot ko ang mga iyon, maliban sa panty, at lumabas sa sala. I decided to take a shower in the common bathroom. It's just a quick morning shower to rinse off the last night in my body.
The remaining days of my vacation were spent in his house. I rarely go to my unit unless it's important and he doesn't want to let go of me. Naunang mag resume ang klase namin kaya tambay siya sa unit ko. Pero halos sa akin naman na siya tumira dahil hindi siya umuuwi. It's a good thing and an advantage to me because I don't have to think about my survival, he cooks for me.
My only problem now is Jeppy.
He tried to take his life away again last week because of a man. Nakipaghiwalay sa kaniya 'yung boyfriend niya na kaibigan daw ni Brian, hindi niya kinaya. Bumalik 'yung depression at suicidal side niya, lahat kami nag-aalala. Buti na lang maluwag ang schedule ko ngayon dahil sa pinaagang prelims namin.
"Ano, Jeps? XYLO next week?" Si Mayette.
Kanina niya pa kinukulit si bakla na mag liwaliw sila. Sa unit na rin niya pinapatuloy si Jeppy for the meantime para raw hindi siya mag-alala pa.
"Pass nga, baks!" Tumawa ito. "Okay na 'ko, gaga! Hindi siya worth it sa buhay ko!"
"Eh 'di lalong tara na! Chill lang bago midterm saka finals! Hindi na tayo nakasama sa Bicol ni Davi, oh!"
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.