Kagaya ng sinabi niya, we drove around Quezon province. Gabi na kaming nakakabalik sa resort kaya gabi rin kami naliligo ng dagat. Isang beses lang ata kami naligo ng sun rise, iyong bago lang kami umuwi ng Manila dahil mag ne-New Year na.
Mag-isa lang ako rito sa condo mag ce-celebrate. Evander's with his family, my friends with their family. Gumawa lang ako ng carbonara at fresh fruit salad na hinaluan ko ng champagne.
Nandito si Evander kaninang umaga, ngunit umuwi rin siya ng hapon. Tinawagan siya ni Yerin kaya wala siyang nagawa kundi ang bumiyahe. Kahinaan niya ang mga kapatid niya, hindi niya matiis. Tinawagan din ako kanina ni Mama, pero hindi ko sinagot. Ang mga kapatid ko lang ang kinakausap ko. Maging si Kuya Gio, hindi sila kinakausap. I mean, hindi naman talaga sila kinakausap ni Kuya, pero palagi 'yon bumabati ng New Year. Galit siya sa ginawa ni Papa lalo na nang makita niya ang maga ng mukha ko after the day of the incident.
Gabi na, katatapos ko lang mag dinner at nanonood na lang ng TV countdown. Mamaya manonood ako ng firework display sa veranda kagaya last year. Inaabangan ko 'yon dahil ang ganda niya last year.
Inabot ko iyong bowl ng fruit salad at pinatong iyon sa hita ko habang champagne glass naman ang nasa kabila kong kamay.
The lights are low. I'm wearing nothing but a panty short and Evander's hoodie. I'm comfortable alone tonight, and I find this moment really peaceful. The television's the only thing that's making a noise. I'm praying for this peace to last until at least tomorrow because this is really rare. To feel this comfortable, at ease and peaceful, especially for all the struggles and bad things that happened to me this year, is so rare. I really feel comfortable. I hope to sleep in this comfort tonight.
Nang limang minuto na lang ang countdown, tumungo ako sa sa veranda ko. Tumunghay ako sa baba at pinagmasdan ang walang katao-taong kalsada. Sobrang tahimik ng paligid kundi lang sa iilang paputok na naririnig ko sa malayo.
Binantayan ko ang oras sa cellphone at bago pa man mag alas dose, lumabas doon ang pangalan ni Papa. He's calling.
Ayaw kong sagutin. Hinintay ko na mawala iyong caller. Muli siyang tumawag at hindi ko ulit sinagot. Isang minuto na lang bago mag New Year.
Segundo.
Papa: Bastos. Kung puwede lang humiling ngayong bagong taon, bagong anak ang hihilingin ko…
His message pops on my screen together with the fireworks in the sky. Hindi iyon buo, ngunit hindi na ako nag-abala pang buksan. Pinasok ko ang phone ko sa bulsa ng hoodie at tumanghod sa railings para panoorin ang fireworks.
I don't want to ruin my peace with a message. Alam ko naman na mas grabe pa ang karugtong ng message niya.
Panay ang vibrate ng phone ko. Inignora ko ang mga iyon at nag focus lang sa firework show. Like last year's, this year is wonderful as well. May iba ring nanonood mula sa veranda nila. Sino ba naman kasing hindi kung ganito kaganda? Nasa mataas kami kaya kita rin ang ilaw sa baba, it is the best New Year welcome view.
Kahit nang matapos ang fireworks, nanatili ako sa veranda. Kung hindi pa nag vibrate ang phone ko, hindi ko pa iyon maaalala ulit. Malalim akong bumuntonghininga bago iyon kinuha.
There are messages from Evander, Kuya Gio, Mama, and my younger siblings. Natabunan na iyong notif ng message ni Papa. Una kong binuksan ang message nila Derson.
Derson:
Happy New Year, Ate ko! I love you! I miss you!
The first thing that made me smile in the first minutes of the year.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Roman d'amour"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.