CHAPTER 33

4 1 0
                                    

Hindi ko alam kung naka ilang sorry ba ako kay Mayette at Aj. Parang hanggang sa umuwi si Aj, sorry lang ako ng sorry. Pati kay Kian. 

Isang beses na lang nag text si Evander nung gabing 'yon. He just said sorry and I love you and goodnight. Hindi ko 'yon nireply-an. Sa school nasa room lang ako maghapon. I want to reduce the chances of bumping into Brian. He's the least person I want to see. 

Diretso ako sa condo ko nang mag-uwian. Naabutan ko pa rin si Evander sa sala. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya bago ako dumating. Tahimik ang bahay at kung hindi ko pa siya makita sa sofa, nakatingin lang sa akin, aakalain kong wala nang tao. 

Tumayo siya para salubungin ko. Dire-diretso lang lakad ko sa kuwarto. 

"Bakit nandito ka pa?" Sambit ko.

"Mag-usap tayo, Daciana." 

Pinatong ko lahat ng dala ko sa kama. Binuksan ko 'yung backpack ko at nilabas doon lahat ng damit na dinala ko kay Mayette. 

Naglakad ako patungo sa bag racks sa likod ng pinto at sinabit doon ang backpack. 

"Umuwi ka na. Wala tayong pag-uusapan." 

"Uuwi ako kagaya ng gusto mo, pero hindi ako makikipag-hiwalay. Walang maghihiwalay, Daciana." 

Binalikan ko iyong mga damit at lumabas sa kuwarto patungo sa laundry. Nilagay ko muna sa laundry basket iyong mga damit ko para maihanda ang washing machine. Sinubukan niya akong tulungan ngunit agad kong hinahablot ang mga hinahawakan niya. 

"Hindi kita kailangan dito, umalis ka na." 

Hindi siya nagsalita ngunit nanatili siya sa tabi ko. Hinayaan ko lang siya. Basta ko na lang binato sa loob ang mga damit ko at hinayaan iyong umikot. Muli akong bumalik sa kuwarto ko, nakasunod lang siya sa akin. 

"Kausapin mo ako." Aniya. 

"Umalis ka na. Sinabi ko na sa 'yo. I want out. Kung ayaw mo, hindi ko na 'yon problema." 

"Bakit? Hindi kita maintindihan. Ano'ng problema?" 

Nilabas ko sa tote bag ang laptop at mga reviewers na ginawa namin ni Mayette. Dinala at inayos ko 'yon sa study table ko. 

Nang matapos ako, hinawakan niya ako sa braso na agad kong tinabig. Tinaliman ko siya ng tingin at muling bumalik sa kama ko kung saan nakakalat ang iba ko pang gamit. 

Kinuha ko ang tote bag ko at binuhos ang natitirang gamit doon sa study table ko saka ko siya sinabit sa bag racks. Muli akong bumalik sa kama ko para naman sa iilang kalat ng kung ano-ano dahil sa ginawa ko. Muli sana akong babalik sa study table nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako pa-upo sa kama. 

"You're not doing anything anymore, Daciana, except talking to me." 

He walks toward my study table and pulls my chair and he sits on it in front of me. 

"Talk. Ano'ng problema natin? Ilang araw lang tayong hindi magkasama, ang laki na ng pinagbago mo. Ano'ng problema, Daciana?" Tanong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. 

Nag-iwas ako ng tingin at akmang tatayo ngunit agad niyang hinawakan ang mga braso ko at hinila ako pabalik sa puwesto ko. 

"You're not going anywhere until you tell me." 

"Bakit hindi mo maintindihan? I want out. I want to break up with you. I want you gone. I want to be alone. I don't need you." 

"What's the reason for all that? May ginagawa ba ako? Bukod kagabi dahil Daciana, may mali na bago ko pa binugbog ang kaibigan mo." 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now