Pumasok akong kinakabahan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag makita ko si Brian. Hindi ako makapaniwala sa sinend niya at sa message niya. Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng ganoong video at bakit sa akin niya sinend. Nagtatalo ang isip at puso ko kung pupunta ba sa library kagaya ng nasa message o hindi. Kung siya ba talaga 'yon o may iba lang gumamit ng account niya dahil wala siyang rason para gawin niya 'yon. Hindi niya kilala si Jeppy, wala silang koneksyon maliban sa naging ex ni Jeppy ang kaibigan niya. At lalong wala siyang rason para isend 'yon sa akin.
"Ikaw, Dav? Susunduin ka ba ni Kenzo?" Si Mayette.
Pilit akong ngumiti at tumango kahit hindi naman ako susunduin ni Evander. I told him to go straight to my place because I'm going to the mall with my friends. And my friends are all gone. They went home.
Nag-aaway pa rin ang kalooban ko sa gagawin. Lagpas alas sais na. Late na ako sa usapan namin. Kanina pa ako naka-upo rito sa clinic dahil natatakot ako na baka makita ko si Brian kapag kung saan-saan lang ako pumuwesto sa campus.
Nakatingin lang ako sa cellphone ko habang binabantayan ang oras doon. Muling dumaloy sa dugo ko ang kaba nang umilaw ang cellphone ko.
Email na naman.
Binuksan ko iyon.
May attachment na kasama ang bagong email sa akin ni Brian. Naka time ang pagsend niya ng video sa hindi ko kilalang email address, kalahating oras mula ngayon. Mariin akong napapikit bago dinampot ang mga gamit.
This is blackmailing for I don't know what reason. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to sa akin at hindi rin puwede 'to. This is unlawful.
Bilang sa kamay ang mga studyanteng naabutan ko sa library, 'yung iba pa nagliligpit na. Nahagip ng mata ko si Brian sa bandang dulo na nakatingin lang sa akin habang nakapangalumbaba sa desk. I march toward him and sit on the chair in front of him.
"You're late," anito.
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kaniya gaya nang nakatingin lang siya sa akin. He looked so unbothered. Para bang nandito kami for school purposes lang.
"What do you want, Brian?"
Sumandal siya ng upo at humalukipkip.
"Kumusta?" Sambit niya.
"I'm not well at all, thanks to you. Ano'ng ibig sabihin ng videong sinend mo?"
"What do you think?"
I don't know. I don't have any idea. I remain silent as I wait for him to answer his own question. Wala akong ginawa sa kaniya at lalong walang kinalaman sa akin ang video na 'yon.
Bumuntonghininga siya.
"How's your friend? Jeppy, right? I heard he'a not well?"
Hindi pa rin ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot at paano sasagot sa bawat sinasabi niya. Natatakot ako, hindi ko alam kung bakit. Parang kapag sumagot ako, mapapasama si Jeppy.
Humugot siya ng malalim na hininga at pinakawalan iyon.
"You see, Davi, I'm not doing fine recently as well. Solenn broke up with me. I'm a mess,"
"That has nothing to do with me."
"I know,"
Nangunot ang noo ko sa sagot niya. Wala akong maintindihan sa nangyayari.
"Brian-"
"How's Kenzo?" Tanong niya. It made me even more suspicious. "Don't glare at me, Davi. Wala akong ginagawa,"
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.