CHAPTER 9

7 0 0
                                    

When I wake up the next day, my head is pounding hard. Sobrang sakit, halos hindi ako makahinga. Kagigising ko lang, hindi ko pa alam ang gagawin. Hindi ko alam kung gaano ko katagal ininda ang sakit ng ulo bago gumana ang pag-iisip ko. I inhale and exhale first to calm myself before I open my eyes slowly. 

I'm in my room.  

Malalim akong bumuntonghininga at nanatiling nakahiga pa ng ilang minuto. Kumikirot ang ulo ko, parang hangover na malala kahit hindi naman ako uminom ng marami. Nahihilo pa ako. 

I tried to think of how I was able to go home when I'm at this state when I woke up. My memories of last night are blurry, I can't remember some things from last night. Sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng comforter. Same as yesterday pa rin naman ang suot ko, hindi kailangang kabahan. 

Mariin akong napapikit at hinilot-hilot ang ulo bago bumaba sa kama. Sa bathroom ang diretso ko. Nag shower at toothbrush muna ako, nag ayos ng sarili bago lumabas ng kuwarto. Masakit pa rin ang ulo ko at nahihilo pa. 

I try to massage my temple and yawn. I can't remember how I got home.

"She's awake now, I'll call you later," si Evan na naabutan ko sa kusinang may katawagan sa phone niya. 

Hindi ko iyon pinansin at naupo na lang. I continue massaging my temple in hope to ease the pain in my head. 

"Kumusta pakiramdam mo?" He asks. 

I shake my head. "My head hurts..." 

"Did you remember what happened last night?" He suddenly asks. 

I look at him in confusion. 

"Did something happen last night? What happened?" 

Bigla akong naalarma. I can't remember anything, in fact, it was so blurry. All I know is that we're taking off the effects of alcohol.

"You don't?" 

Lalo akong nagtaka at medyo kinakabahan. 

"Why? Did you sleep here?" 

"Hindi pa ako natutulog, Ciana," sambit nito sabay turo sa ilalim ng mata niya. 

Nanliit ang mga mata ko sa kaniya. Pilit ko siyang sinusuri at napayakap na lang sa sarili. 

"Nothing... happened between us... right?" 

He sighs defeatedly before he turns off the stove. 

"I would never do anything to you in that state even if you beg me, Daciana. I won't do anything to you without your sane consent." 

"Then... what happened?" 

Kumuha siya ng mangkok at nilapag iyon sa lamesa. Mariin niya akong tiningnan, tila may hindi nagugustuhan na hindi ko alam kung ano. 

Tumalikod siya at muling bumalik sa stove, kinuha niya iyong pot. Inayos ko ang patungan no'n na nasa mesa. Inayos niya muna ang mga kakainan namin at naglabas ng baso at tubig bago umupo sa harapan ko. 

Siya na rin ang naglagay ng sabaw sa mangkok ko. 

"Thanks..." I say.

Inamoy ko muna ang sabaw bago kumutsara. Napapikit ako sa ginhawa no'n sa pakiramdam. 

"Sarap..."

"Do you not remember anything last night? Like, how did you get here?" 

"Hmm? Hindi ba ikaw ang naghatid sa akin?" 

"Ako. What I mean is, before that. Do you remember anything?" 

Napatitig ako sa kaniya, naguguluhan na naman. 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now