My days are full of positivity. As in kahit ano'ng nangyayari sa paligid ko, pakiramdam ko magiging ayos din. Maybe because I'm happy and content?
"I'll be doing street photography with the guys later so maybe I'll be home late. 10 or earlier if lucky,"
Inayos ko ang pagkakapatong-patong ng notes at iba ko pang gamit. Katatapos lang ng lab namin.
"Okay. I'll cook."
"Esquivel, I love you talaga! Thank you kanina, shi!"
Natawa ako nang yakap-yakapin ako ni Denver. Nilayo ko muna ang phone ko. "Welcome,"
"Ang laki talagang gago no'n ni Dekdek, eh. Buti na lang nandiyan ka. Babawi ako sa 'yo next time, girl!"
I smile at him again. "Wala 'yon. Ingat pag-uwi,"
"Yes, ikaw rin! Una na 'ko. Sino 'yang kausap mo?" Turo niya sa phone ko.
"Pinsan ko,"
Pagkasabi ko pa lang no'n gusto ko nang tumawa.
"Ay? Kala ko boyfriend!"
At tuluyan na akong tumawa. "Boyfriend ko nga."
"Ano ba talaga? Kaloka ka!"
"Boyfriend ko nga!"
Tumawa rin siya at tinampal ako sa braso. "Sige na, baka nakaka-istorbo na ako sa inyo ng pala-loves mo. Bye! Thank you ulit!"
I wave my hand to him. "Ingat."
Nang mawala na si Denver, muli akong bumalik sa cellphone.
"Nandiyan ka pa?" Tanong ko.
"Pinsan, huh?"
Dinampot ko ang mga gamit ko at inipit iyon sa kilikili ko. Sabi ko na, eh. Sa ganito ko lang siya maaasar.
"Gusto lang kitang asarin."
"Yeah, at alam na alam mo kung paano ako asarin."
Tumawa ako. "Siyempre!"
"Tss. I'll try to make it home earlier than 10,"
"Okay. See you later, love you. May klase pa 'ko, baba ko na,"
"All right. I have a favour to ask, but maybe I'll just ask you later,"
"Ako rin. Mamaya na lang, ingat kayo sa pupuntahan niyo,"
"Yes, and give me the plate number of your grab."
"Send ko mamaya."
"Okay. Later again, Esquivel. I love you the most."
"Laters, Rivera. Love you more."
I smile when I hear his little laugh. "Love you so much. You go hang up. See you later."
"See you."
And my afternoon went super slow maybe because I wanted the time to be 10 so bad so I could see him already. Diretso ako sa unit ko. Naglinis ng sarili, nagluto, at naghintay na umuwi siya sa akin. He plans to sell his condo unit once he starts for his training. Maganda 'yon dahil hindi naman na niya halos tinitirahan, dito siya dumidiretso ng uwi.
Nagpalipas ako ng oras sa paggawa sa mga take home. Nireview ko rin ang mga lessons namin kanina pati nag advance reading ng lessons for tomorrow. Gusto kong kumuha ng dugo for practice kaya dumaan ako kanina sa drugstore para bumili ng syringe.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.