Nagmaneho ako hanggang sa condominium tower niya. Ang sabi niya, may gamot daw siya for allergies sa unit niya kaya hindi na kami huminto sa pharmacy.
Sinawsaw ko ang daliri ko sa bowl ng tubig para masukat kung tama lang ang init no'n. Sunod kong dinampot iyong towel at dumiretso na sa kuwarto niya.
Siko ang ginamit ko para mabuksan ang pinto no'n, paa naman para maisara siya. Napailing na lamang ako ng ulo nang maabutan siyang nakaupo, naka angat ang tingin sa akin. I clearly told him him to lie down.
Binaba ko ang bowl sa bedside table niya at hinila ang upuan sa gilid.
"Sabi ko humiga ka, eh."
"Bakit? Anong gagawin mo sa akin?"
I give him a short dead look. Kung hindi lang ako ang nagpakain sa kaniya ng hipon, hahayaan ko siya kahit maghingalo pa siya rito.
"Umayos ka, baka sikmuraan pa kita diyan."
Natawa siya at pabagsak na humiga sa kama. Muli kong chineck ang temperature ng tubig bago nilublob ang towel. Binangga-bangga ko ng paa ko ang binti niya na agad niya namang tinaas.
"Grabe naman 'to..." sambit niya na para ba'ng aping-api siya sa ginawa ko.
"Hindi ka ba muna maglilinis?" Pagsasawalang bahala ko rito.
"I'm not interested, Davi, please..." anito habang nakayakap sa sarili.
Bigla akong nandiri at nangilabot sa ginagawa niya. May sapak ata ang isa 'to, eh.
"Aayos ka ba o tatadyakan kita?"
"You're too young for this, Davi-"
"Nasaan ang gamot mo? I-o-overdose kita."
Tumawa ito at walang buhay na binagsak ang mga braso niya sa kama at bumuntonghininga. Sandali ko siyang tiningnan bago piniga ang towel at tuluyan siyang hinarap.
I cross my arms and lean on his bedside table a bit.
"Ano? Ganiyan ka na lang? Uuwi na ako kapag hindi ka pa umayos."
Tumawa siya at dumilat.
"Hindi ka ba natatakot na may gawin ako sa 'yo rito?" Wala sa sarili niyang sabi.
Napairap na lang ako. Sa lagay niya? Baka ako pa ang may gawin sa kaniya ngayon.
"Huwag kang mag-alala, marunong ako ng self-defense. Saka sa kalagayan mo? Huh," I want to laugh at him. "Baka bali-baliin ko ang buto mo, wala kang magawa."
Muli siyang natawa at pinatong ang isang braso sa noo niya.
"Why are we even here? Have you thought about it?" He asks.
"Thought about what?"
"About us."
"Huh?"
Malalim siyang humugot ng hininga at sandaling pumikit bago muling dumilat.
"Na tayo na lang."
Muli akong napairap at ayos ng pagkakasandal. Nilublob ko ulit ang towel sa bowl since nawala na ang init nito.
"Nandiyan ka pa rin? Ayaw ko."
"Bakit? Hindi ka na lugi sa akin. Guwapo naman ako, maasahan. Kung interesado ka, hindi ako boring sa kama-" madrama akong napairap sa sinabi niya. "-I was just saying... May abs pa ako."
"Sa 'yo na 'yang abs mo. Hindi naman ako bubuhayin niyan-"
"Boyfriend pa lang naman, Davi. Gusto mo agad bubuhayin kita? Pag-aralin na rin kaya kita?"
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.