Natulog kaming bihira ko siyang kausapin. Sa guest room kung saan ako natulog nung pumunta kami rito ako nag-stay. Busy agad ang bahay pagbangon ko kinabukasan. Wala akog nadatnan na Evander sa sala o kusina kahit pa nandito na iyong mga kinuha niyang tao para mag decorate ng bahay. Si Ate Karol lang ang nandito, nag-aassist sa lahat ng kumikilos.
"Good morning, si Evan po, Ate?" Tanong ko.
They're putting spider webs in places.
"Ay, tulog pa 'yon. May almusal na, kumain ka muna,"
"Gisingin ko na lang po muna 'yung isa,"
"Ikaw bahala,"
Tiningnan ko ang ginagawa nila. Simple lang ang magiging ayos nitong bahay nila Evander based sa pinakita niya sa akin. Ayaw niya raw kasi ng overly decorated kasi birthday niya ang highlight, hindi Halloween. I think that's a good idea.
Muli akong pumanik sa taas para gisingin siya. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok sa loob.
He knows he has plans for today, but he has the audacity to sleep so soundly at this hour? Nakadapa pa siya habang nakabalot ang comforter sa kaniya. Topless si Evander kaya kitang-kita ko ang muscle sa balikat niya. I'm aware, but is it supposed to really look this good?
Naglakad ako hanggang sa dulo ng kama niya at inugoy-ugoy siya sa binti.
"Nasa baba na 'yung mga organizers mo," paggising ko sa kaniya ngunit wala. Hindi man lang siya gumalaw.
Dumako ang tingin ko sa bed side table kung nasaan ang digital clock niya. It's 10:30 now. Muli ko siyang inugoy.
"Gumising ka na, oy,"
Pero wala pa rin. Inugoy ko ulit siya, 'yung mas malakas, ngunit pinaling na niya lang ang ulo niya sa kabilang direksyon at iniwas ang binti sa akin. Bumuntonghininga ako at hinugot ang buhok niya sa binti.
Napasigaw siya. Mabilis siyang napabangon habang kumakamot sa binti niya.
"Aw! Why'd you do that, I'm sleeping!"
"Nasa baba na 'yung mga taong kinuha mo," sabi ko.
"I'm sleeping, Daciana. They don't need me,"
Kitang-kita sa mukha niya ang iritasyon. Pupungay-pungay at maga pa ang mga mata niya at magulo pa ang buhok, pero kunot na ang noo niya.
"Uuwian kita kapag hindi ka pa bumangon."
Hinawi niya ang comforter at inabot ang bottled water sa gilid niya bago tumayo at naglakad patungo sa closet niya.
"I already apologise for Irene, I don't know why you're doing this to me. We just made up,"
Humugot siya ng tuwalya ro'n at sinabit iyon sa balikat niya bago naglakad patungo sa akin. He's topless. I didn't say anything. Imbis sa kaniya, pinukol ko ang tingin ko sa digital clock.
It's 10:53, the time is running.
"Kumain ka na?" Tanong niya. Nasa tabi ko na siya, ngunit naro'n pa rin sa digital clock ang tingin ko. "Why won't you look at me?"
"Tingnan mo ang oras," sambit ko.
Nilingon ko siya nang makita ko sa gilid ng mga mata ko na nilingon niya iyong orasan. Muli ring bumalik sa orasan ang tingin ko nang bumalik ang tingin niya sa akin.
"What about it?"
"10:54. Marami pang gagawin sa baba,"
Humugot siya ng malalim na hininga bago ako hinila at niyakap. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya kaya napasigaw ako at agad siyang tinulak. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa ginawa niya!
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romantik"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.