CHAPTER 40

4 1 0
                                    

Nagpatuloy ang recovery ko. Ginagawa ko lahat ng sinasabi ng doctor para maresolba ang stuttering ko. Si Kuya Gio at Mama, hindi ko alam kung bakit palaging busy. Si Evander, hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko para lang tumigil na siya kapupunta sa amin. Parang walang pumapasok sa isip niya sa lahat ng sinasabi ko. 

Kagaya ngayon. 

Kagagaling ko lang sa psychiatrist. I still can't bring myself to tell her what happened. I tried, but I couldn't. Nanginginig agad ako sa tuwing inaalala ko. Si Evander na naman ang naiwan sa akin. Sila Mama rin, ang hirap sabihan na kaya ko na. Hindi sila pumapayag na wala akong kasama. Hindi ko alam kung ano'ng pinagkaka-busy-han nilang dalawa. 

Hindi ako umiimik kapag si Evander ang kasama ko. Sa tuwing mag-isa naman ako, kinakausap ko ang sarili. I want to get rid of my stuttering, it's making me feel more awful. 

"I sliced some apples. Eat this before we eat lunch," si Evander. 

Hindi ako sumagot. 

"I'll put it here," he knocks on the bed side table. "Or do you want me to hand it to you?" 

Umiling-iling ako. "S-Si Solenn…" 

Hindi agad siya nakasagot. 

"Nasa bahay siya, may kasama…" 

Bahay? Sa Rizal? 

There's a heavy feeling in my chest. Biglang pumasok sa isip ko ang bahay niya. Lahat ng palagi naming tinatambayan doon. Ang kuwarto niya kung saan kami natutulog dati. I imagine Solenn being there. 

It's normal for Solenn to be there because after all, she's with his child. I shouldn't feel like this.

"Sa… kila Mama. Hindi sa Rizal. Walang nakatira ro'n," sambit niya na para bang nabasa niya agad ang nasa isip ko at ayaw niyang may ma-misunderstand ako. 

Did he notice the shifting of my mood? Lumunok ako. Hindi ko naman 'yon kailangang malaman ngunit bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. 

No.

I have to move on from Evander. From us. It's normal to feel pain after everything, but that should be it. I have to heal this on my own. No matter if I love him. No matter if he still loves me, too. No matter how unfair it may seem to me. 

"Kumain na muna tayo. Sumabay ka na, Evander," si Kuya Gio. 

"Can I hold you?" Si Evander. 

"M-Mama," tanging sagot ko.

Inalalayan ako ni Mama hanggang sa makaupo ako sa hapag. Hindi ako pumayag na subuan pa nila, ayaw ko. Paningin lang ang nawala sa akin, hindi ang kamay ko. I let them feed me in the hospital and when I couldn't lift my hands, but now that I'm a bit better, that stops there as well. Wala na ako sa hospital kaya ang ibig sabihin, okay na ako. I don't need to be fed. 

Tahimik kaming kumain. Hindi ako sanay na hindi nakakakita at ngayon lang ako kumain na mag-isa kaya kung saan-saan tumatapat ang kutsara sa mukha ko. Paniguradong ang dumi ko nang tingnan. Sa tuwing ilalapag ko ang kutsara sa plato, madalas na sa lamesa lumalandas. Maingay. Ngunit nanatiling tahimik ang hapag. Si Mama lang minsan, inaalalayan ako. Kahit pa tumutulo na ang luha ko, wala silang sinasabi. Tanging paghagod lang ni Mama sa likod ko ang nararamdaman ko.

Natapos kami na sigurado akong maraming kalat dahil kahit sa kandungan ko, mayroon. Mayroon pa nga akong nararamdaman na kanin sa paahan ko. Pero wala pa rin silang sinabi. 

Inalalayan ako ni Mama pabalik sa kuwarto ko. 

"Aayusin ko lang ang kusina," aniya. 

Hindi na ako sumagot pa. Kinapa ko ang higaan at maayos na sumampa sa kama. Kinuha ko ang comforter at tinalukbong iyon hanggang sa leeg ko. Kinapa ko ang mga mata ko. 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now