CHAPTER 2

8 0 0
                                    

"Where do you think they're going? Tingin mo diretso uwi talaga sila?" 

Natawa siya sa sinabi ko at pinunasan ng tissue sa mga labi. 

"Tingin mo diretso uwi 'yung mga 'yon? Solenn's place is just a half hour drive away from here, Davi. Ano sa tingin mo ang gagawin ng isang babae't lalaki na may relasyon doon?" 

"Malay mo..." 

He laugh again. "Huwag mo nang pagaanin ang loob mo. They are adults with needs, they will end this night naked for sure." 

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nagkagat labi. They will end this night naked? They are older than me, yes. But they're still young. I mean, I know how relationships work in this generation, I just don't want to accept it. 

I can't take the thought of him making love with her. It's crazy and maddening and I feel jealous even when I shouldn't. 

"Ayos lang sa 'yo 'yon?" Tanong ko nang hindi siya tinitingnan. 

"Oo naman. Buhay niya 'yon, choice niya. Hindi niya alam ang nararamdaman ko, Davi, at wala siyang obligasyon sa akin para mangialam ako sa mga gusto niya." 

"It's-" 

"Why? You want to stop them? I can drive you over gladly, as long as you'll be the one to click the bell button." 

Inis ko siyang tiningnan. "At ano? Ako ang mapapahamak?" 

"Siyempre. Ikaw ang hindi makatanggap, eh. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang diyan," 

"Manggagamit ka rin, 'no?" 

"In this world, either you use others, or others get to use you. I chose the first one." 

I roll my eyes at him. It's not like I care about anything about him, I just find him really annoying. 

"No, kidding aside, you shouldn't think so innocently about them. Ilang taon ka na ba?" 

Napatitig ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Sasabihin ko ba? Baka kung anong isipin niya, mukha pa naman siyang may black business. 

"Turning twenty this April, why?" 

"So, nineteen? I see..." tumango-tango siya. And there's really this annoying feeling in his aura. "... that explains it. You're still young, Davi, you might not understand any of this yet." 

"Ano ba'ng hindi ko maiintindihan? Iyong sex? O 'yung relasyon nila?" 

"'Yung relasyon, siyempre. Kahit ata high school, alam na ang sex." 

Natawa ako sa sinabi niya. 

Oo naman. 'Yung iba nga ginagawa na, eh. May anak na rin. 

"But, seriously, bata ka pa pala. Akala ko nasa twenty ka na..." 

"Hindi na ako bata-" 

"Bata ka pa-" 

"Hindi nga! I'm an adult okay? Bakit, ikaw? Ilang taon ka na ba?" 

"Twenty four. Turning twenty five." 

"Tss... Five years lang ang tanda mo sa akin, huwag kang mayabang." 

"Bata ka pa rin-" 

"Mukha lang bata." 

"Bata pa rin. Don't force it, it's not making you look cute," 

My jaw drops at how thick-faced and foul-mouthed he is.

"And you think I'm trying to look cute? In front of you? Of all the people I've met na mas katiis-tiis ang mukha kaysa sa 'yo?" 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now