CHAPTER 28

8 1 0
                                    

We did our best to keep Jeppy entertained although we're not sure if it's enough. Nang bumalik siya sa psychiatrist niya, niresetahan siya ng mga dati niyang gamot at kailangan niya ulit mag pa therapy. Good thing, malapit na ang bakasyon namin. 

Hinatid muna namin ni Mayette si Jeppy sa unit niya bago kami tumungo sa mga kaniya-kaniya naming lakad. Si Mayette lang naman ang may lakad sa amin dahil may pasok ngayon si Evander, Sabado. Pero bigla akong tinext ni Wera na magkita raw kami malapit sa school nila kaya heto ako, malapit na.

Wera: 

Are you near? I'm here already.

Tinanong ko sa driver kung malapit na ba kami, oo raw. 

Ako: 

Yep. Sino kasama mo? 

Schoolmates niya sila Evander, magkaka-iba lang ng course. Inaya niya ako na pumunta malapit sa kanila at bilang curious na nilalang, pumayag agad ako. 

Wera:

I'm alone. 4:30 pa uwian nila. 

Nang dumaan sa school nila ang grab ko, pinagmasdan ko iyon. Maganda naman. Sa taas pa lang ng bakod, halatang malaki na ang loob. 

So… Evander's inside this huge wall, huh? Hindi ko mapigilan ang ma-excite sa isipin ko. I want to see him. 

Agad kong ginala ang tingin ko sa coffee shop nang pumasok ako. 

"Davi!" Wera raised her hands at the centre. 

I smile immediately and walk toward her. Agad niya akong sinalubong ng yakap at nag talon-talon. 

"I missed you!" Aniya. 

"I missed you, too," 

Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. 

"The last that we met was January, Davi. Why do you look extra gorgeous? February pa lang!" 

Natawa ako sa sinabi niya. Marami na'ng nagsabi sa akin niyan sa school. Most often nire-relate nila sa pagbubuntis ko raw. Babae raw ang anak ko kasi glowing ako. 

"Alagang Rivera." 

I laugh when she winces at me. Naupo ako sa tapat niya. 

"What do you like to have, Dav? Walang Rivera sa menu, ah?" 

Muli akong natawa sa sinabi niya. "Ikaw bahala. Ngayon pa lang ako nakapunta sa coffee shop na 'to, hindi ko alam kung ano'ng masarap." 

"Okay, I'll order for us." 

Wera and I spent an hour just talking about random stuff. Madaldal talaga siya at maraming kuwento. Halos sa lahat ng pinag-uusapan namin, my opinion siya. 

Nilabas niya ang phone niya at nilagay iyon sa camera. She took a photo before she put it back aside. 

"Dav, kumusta si Solenn?" She asks out of nowhere. 

"Hmm… I don't know? Nakita ko siya kahapon mukhang may sakit." 

Tumango-tango siya at humigop sa smoothie niya bago nagsalita. "Nakita ko siya kahapon, eh. Naka blazer ba siya?" 

Tumango ako. "Nilalamig daw siya, eh. Stress 'yon sa midterms." 

"Ayos na ba sila ni Brian?" 

"Siguro? Magkasama ata sila kahapon." 

Muli lang siyang tumango-tango. Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan. She took a stolen shot of me and posted it on her IG story. She tagged my account. Wala akong balak na makipag-kita kay Evander dito dahil didiretso ako ng uwi, ngunit bigla na lang na nandito sila nila Saldy. 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now