CHAPTER 12

5 0 0
                                    

Isang glamping site resort ang hinintuan namin. Late na at pagod na rin ako mula sa biyahe kaya akala ko makakatulog agad ako pagdating namin, ngunit hindi. Umorder muna kami ng pagkain habang inaayos nila ang accomodation namin. 

"How is it? You like the place?" Tanong niya. 

Sumimsim ako sa kape ko at tinanaw ang madilim na dagat. Hindi naman ganoon kadilim dahil marami ring ilaw, pero gabi na kasi. 

I scrunch my nose. "Hmm… I wanna see it in day," 

"You can see it tomorrow," 

"Parang ang lamig ng tubig," binalik ko ang tingin sa kaniya, nakatingin lang din siya sa akin. "Hindi tayo makakalangoy,"

"Actually, I prefer night swimming?" 

"Bakit naman?" 

"Skinny dip," 

"Ano 'yon?" 

Bumukas ang bibig niya, pero wala siyang sinabi. Nakatanga lang siya sa akin habang naghihintay naman ako sa sagot niya. 

What's with the look? 

"Hindi mo alam ang skinny dipping?" 

"I mean, I won't ask something I already know?" 

Muling umawang lang ang bibig niya bago natawa. "Skinny dipping, Daciana. Swimming naked," 

Bibig ko naman ang umuwang saka dahan-dahang tumango-tango. 

"As in?" I asks, gesturing my body.

"As in." 

Napangiwi ako at tingin sa paligid. "Paano kapag may makakita sa 'yo?" 

"They'd prolly ask for my number," he says in a smug way. 

Unti-unting nawala ang ngiwi sa mga labi ko. Guwapong-guwapo sa sarili din talaga siya. 

"Kilabutan ka nga," nasabi ko na lang sabay simsim sa kape ko. "Dapat kape ang iniinom mo, hindi gatas para kabahan ka naman," 

Natawa siya. "Based on experience." 

"May nakakita na sa 'yong mag skinny dip?!" 

"Once or twice?" 

Agad kong dinampot ang tissue sa lamesa at binato iyon sa kaniya. "Kadiri ka!" 

Humalakhak siya at kinuha ang binato kong tissue. He crumpled it ang throw it in the trash bin beside the table.

"Siguro sinadya mong magpakita!" 

"What?" Muli siyang tumawa. "Of course not. Bakit ko naman ibabalandra ang sarili ko na nakahubad sa alam kong may tao?" 

"Ewan ko! Ang laswa!" 

"Hindi naman malaswa. Maganda naman katawan ko, eh," 

Nginiwian ko siya sa pandidiri at muling binato ng tissue. Tinawanan niya lang ulit ako. 

"Yucks! Palagi mo siguro 'yang ginagawa?" 

"Bihira lang. Sa France ko pa lang siya nagagawa. Normal lang sa kanila," muli akong napangiwi. Siya naman ang bumato ng tissue sa akin. "Maraming skinny dipping spot at nude beach doon kaya hindi bago ang mag skinny dip. Saka I prefer it," 

"Oh, sige. Mag skinny dip ka ngayon, iiwan kita rito," 

"Huwag na. Mamaya bigla pang may humila sa akin sa ilalim ng tubig," sambit niya sabay halakhak. 

Sinipa ko ang binti niya sa ilalim na ininda niya habang tumatawa. Parang tanga, kung ano-ano'ng sinasabi!  

Pero kahit pa sinabi kong malamig, nang makapag settle kami sa tent namin, nagpalit din agad kami ng swimming attire. Bumili kami sa resort. Wala naman halos tao, parang kami nga lang ang overnight, kaya pumayag akong mag one piece. It's not my first time to wear one piece, pero sixteen or seventeen pa ata ako nung last kaya naninibago at may hiya pa lalo't si Evander ang kasama ko. At the same time, okay lang din siguro dahil si Evander naman ang kasama ko. 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now