CHAPTER 25

9 1 0
                                    

"Davi, what's next?" Si Julia na inangkin ang pagluluto ng seafood kare-kare. Siya rin ang nag request nito. 

Halatang mga mahilig sila sa ganitong gala dahil kumpleto sila sa gamit. Bumalik nga lang ng Sorsogon si Evander at Saldy dahil nakalimutan naming bumili ng butane gas, hindi kasya ang isa lang. 

Iniwan ko muna kay Wera at Ben ang barbeque at inihaw na isda para lapitan si Julia. Naupo ako sa tabi niya. 

"'Yung puso ng saging. Steam na lang natin 'yung mga gulay para hindi over cooked,"

"Tapos?" 

"Okay na 'yan," 

"Really?" 

"Yep!" 

"Okay, thanks!" 

Muli akong bumalik sa pagbabarbeque. Natutuwa ako kasi kinakausap kami ni Ben. Tahimik lang siya, eh. Hindi mo mararamdaman ang presensya niya, pero madalas ko siyang makitang kausap si Dave at Arvin. 

Speaking, nasa baba pala ang iba para umarkila ng videoke. Gusto atang mag concert ni Wera mamaya. Wala pang naliligo sa dagat at sa tingin ko, wala ring maliligo dahil sa lakas ng alon. Si Wera bumaba na rin nang hindi na makapaghintay sa videoke. 

"Gaano na kayo katagal ni Kenzo, Davi?" Si Ben. 

"Seven, almost eight months."

"Ah… bago lang? Wala na kasi ako masyadong balita sa mga 'yan, eh. Alam mo na, buhay abroad,"

"Ofw ka?" 

Tumango-tango siya. "Philippine embassy sa Madrid." 

"Madrid? Uy, dream place ko 'yan!" Excited kong sabi. 

"Maganda ro'n, mainit lang. Iba init." 

"Oo nga raw. Ilang taon ka na ro'n?" 

"Two years lang. Babalik ako next month. Renewal ng kontrata." 

"Really? Ingat, ah?" 

"Yeah…" kinuha niya lahat ng babeque na nakasalang at nilagay iyon sa lamesa. "Maraming Filipino ro'n," 

"Mahirap trabaho?" 

"Mahirap mag adjust. 'Yung trabaho, nakakasanayan naman. Saka alam ko naman 'yung trabaho," 

"Sa bagay… breadwinner ka ba?" 

"Oo. Dalawa pa nag-aaral sa mga kapatid ko," 

Ngumiti ako at pumalakpak. I give him a thumbs up. 

"I salute you. Best Kuya." 

Tumawa siya tumango-tango. May inabot siya sa lamesa at hindi sinasadya na mapatong niya ang palad sa ihawan. 

"Aw!" Inda niya. 

Naalis nya rin naman agad ang kamay niya, pero mainit 'yung ihawan! Pinagpag niya sa hangin iyon bago tiningnan. 

"Patingin," sambit ko. 

Kinuha ko ang kamay at tiningnan ang palad niya. Namumula iyon, pero tingin ko naman hindi aabot sa second degree. Parang dumapo lang naman din ang palad niya sa ihawan, but still. 

"Ano'ng nangyari?" Si Julia. 

"Napaso si Ben," sagot ko. 

Naglakad kami patungo sa lababo. Binuksan ko ang gripo at sinahod doon ang kamay niya. I keep the water running on it. 

"Hindi ba 'to magtutubig kapag ganito ginawa natin?" 

Pinagpag ko ang basa sa kamay ko saka humalukipkip at sumandal sa sink. 

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now