Agad na niyakap ni Mama si Papa para pigilan ito. Si Derson at David naman ay mabilis na tumungo sa likod namin ni Evander. Si Draia nagsimula nang umiyak sa gilid ni Mama.
"Vinyl," si Mama tila pinapakalma si Papa.
Tinabig lang siya ni Papa. Muntik na niyang madaganan si Draia kaya agad kaming napatakbo ni Evander sa kanila ngunit bago pa ako makahakbang, hinila ni Papa ang braso ko.
Palad niya sa pisngi ko ang sumalubong sa akin.
"Sir!" Si Evander.
Kung wala lang si Evander, diretso ako sa sahig. Inalalayan niya akong makabalik sa paa ko.
"Mga putangina, wala kayong kuwenta!" Sigaw niya.
Mariin akong napapikit. Kusang tumulo ang mga luha ko habang nangingibabaw sa akin ang iyak ng mga kapatid ko. Ramdam ko si Evander sa likod ko, nakaharang sa akin.
"Vinyl!" Si Mama na nanginginig din ang boses.
"Minsan ka na lang umuwi, may dala ka pang lalaki?! Ano'ng natutunan mo sa Manila, kalandian?! Kasama ba 'yan sa pinag-aaralan niyo ro'n?! Nagbabayad kami ng tuition mo para lumandi ka?!"
"Hindi ganoon si Davi, Sir-"
"Manahimik ka!" Sigaw niya.
Pinunasan ko ang mga luha at humugot ng malalim na hininga.
"Kaya gustong-gusto mo sa Manila dahil dito, hindi ka makakalandi!"
"Vinyl! Tumigil ka na!"
Muli akong humugot ng pinakamalalim kong hininga.
"Gusto ko sa Manila dahil wala ka ro'n." I say firmly.
Hinarap ko siya.
"Ate…" si Derson na nginginig din ang boses.
Nakaakap si Mama kay Papa, pinipigilan itong makalapit sa amin kahit pa wala naman iyong kuwenta. Ano ba'ng laban ng katawan niya sa katawan ni Papa.
"Ano?! Batos kang babae ka! Wala kang utang na loob, ang lakas ng loob mong umuwi rito at ipangalandakan sa akin at sa ibang tao ang kalandian mo!"
Matuwid na tumayo si Evander.
"Sumusobra naman ata ang sinasabi niyo sa anak niyo." Si Evander.
Agad kong hinawakan ang braso niya at hinila siya patungo sa likod ko. Nagpatangay siya sa akin ngunit nakay Papa pa rin ang tingin niya.
Lalong bumalandra sa mukha ni Papa ang galit niya. Tila nakita ko kung paano mapigtal ang ugat ng pasensya niya sa mga ugat na nakabakas sa sentido niya dahil sa galit. Muli niyang tinabig si Mama na sumalampak sa sahig.
"Mama!" Umiiyak na sigaw ng mga kapatid ko.
Nakatingin lang ako kay Mama, pinapanood siyang uminda sa ginawa ni Papa. Isang hakbang lang ang nagawa ko nang makita si Draia na yumakap kay Papa habang umiiyak. Hindi ko matuloy sa takot na baka anong mangyari kay Draia kapag nilapitan ko sila.
"Ate! Ate!" Tawag sa akin ni Derson habang hinihila ang damit ko. Dinig na dinig ko ang takot sa boses niya.
Inalis ni Papa ang pagkakayakap sa kaniya ni Draia at binuhat niya ito patabi sa gilid. Mabilis ang sumunod na nangyari. Kusang gumalaw ang katawan ko nang umamba siya ng suntok kay Evander. Hinila ko ang damit ni Evander kaya nawalan siya ng balance at napaatras. As a result, Papa's blow lands on my face.
Umikot agad ang paningin ko nang tumama sa akin ang suntok ni Papa.
"Daciana!"
"Ate!!!" Si Derson at David.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.