Ginawa kong palusot ang finals namin sa pag-iyak ko kagabi. Sinabihan ko rin si Wera na huwag na huwag sasabihin kay Evander ang nangyari. She was shocked to know that Evander and I have broken up. Guess he didn't tell them.
She insists on dropping me off to school and so I let her. I'm about to get out of her car when she holds my hand tightly. I look at her.
"I'm here if you need someone to talk to. You don't have to walk around randomly and cry on your own, okay?" She says.
I smile at her and nod.
Yes. That's the story I told her. Like I'm getting out of my head just because of my finals.
"Thank you."
She smiles at me and squeezes my hand. "Always."
I wave at her car and there's the fear from last night again. It's school. I know I'm safe here, but Brian's here as well. Am I really safe?
Tumingin ako sa paligid at nang masigurong wala siya, saka ako tumakbo patungo sa building namin.
Hindi ako lumabas ng room buong maghapon. Ginamit ko sa tulog ang mga breaks namin dahil halos wala ako sa sarili habang nag e-exam. Pilit pumapasok sa isip ko ang nangyari kagabi at sa tuwing maalala ko siya sa likod ko, naiirita ako sa upuan ko. Naiirita akong nakadikit siya sa pang-upo ko hanggang sa maging iritable na ako habang nag e-exam. Isama pa na kulang ang tulog ko.
Hindi ako dumidikit o kumakausap man lang ng kahit sinong kaklase. Babae, lalo na mga lalaki. I'm always wearing my earphones in our free time. My head's always down on the desk. Nang mag-uwian, isang text ang na-receive ko mula kay Brian.
Brian:
I'm sorry about last night. I was drunk, I didn't mean it.
Agad na tumulo ang luha ko. Nanginginig na naman ang katawan ko habang paulit-ulit na binabasa ang message niya.
Drunk? Is that even an excuse?
I turned off my phone and put it inside my bag. I wipe off my tears before I leave our room.
I booked a grab already. Kanina, actually. Five minutes ago nang mag text sa akin ang grab driver na nasa labas na siya kaya tumatakbo na ako. Binigay ko agad sa driver ang address. Nang makarating kami, nagbayad at bumaba na ako. Hinawi ko ang buhok ko na nilipad ng hangin at pumaling sa entrance ng tower.
Natuod ako nang makita ko si Brian sa gilid, nakasandal sa sasakyan niya habang nakatingin sa akin.
Takot.
Takot agad ang naramdaman ko nang makita siya. Galit ako pero mas nangingibabaw ang takot sa akin. Kusang humakbang paatras ang paa ko nang magsimula siyang maglakad sa akin. Tinalikuran ko siya at akmang tatakbo nang tawagin niya.
"Davi!"
Nahinto maging ang paghinga ko. Nanigas ako sa kinatatayuan at muli na namang tumulo ang mga luha. I'm supposed to be angry and brave because of what he did, but I can't stop my body from shaking out of fear.
It's not the fact that he can hurt me that scares me. It's his touch and the fact that I know self-defence, but it somehow doesn't work on him.
"I'm sorry." He says. Lalong nagtaasan ang mga balahibo ko. He's just right behind me. "I didn't mean it. I was drunk."
Buhol-buhol ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung haharapin ko siya, tatakbuhan, o tatayo lang ako. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi niya ako hawak ngunit nararamdaman ko ang kamay niya sa akin. Nanginginig ang tuhod ko.
YOU ARE READING
Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)
Romance"I want something clear. I'm not asking you for something to ponder on again at night when I lay in bed to sleep." TW!!! Violence. R#pe topic.