CHAPTER 7

7 0 0
                                    

We drove around Tagaytay with the windows down. I am certain that his course is best suited for him because he likes traveling. Baka nga pati ako masanay na sa ganito. The kiss remains a topic under the rags until the end.

Medyo maayos na si Mayette kaya hindi ko na kinailangan pang bumalik sa club para tumulong. Pagtapos ng prelim, midterm naman ang pinaghahandaan ko. Ang bilis, ang sakit sa ulo kaya ginagawa ko lahat para hatiin ang oras ko. I always make sure to give time to myself, unwind and relax. I need it. I don't want to tire myself out because of my study, that's the least thing that I want.

Pagkatapos kong gawin iyong assignment na binigay sa amin kanina, agad kong niligpit ang mga gamit ko. Alas siete na kaya wala na masyadong tao sa library. Ngayong papalapit na ang midterms namin, hindi ako nag-uuwi ng gawain sa bahay hangga't maaari. Gusto ko, kakain na lang ako at magre-review tapos tulog. Ganoon. Kahit pa ginagabi na ako, ayos lang. Mas ayos iyon kaysa matambakan ako ng gawain sa bahay. Pahinga ang humihila sa katawan ko sa bahay, hindi ang mga gawain.

Nilabas ko ang phone at muli iyong binuhay. Palaging naka-off ang phone ko tuwing may ginagawa dahil inaagaw niya ang atensyon ko, I always end up doing nothing. It's making me unproductive so I made it a habit to turn it off every time.

Sunod-sunod na pumasok ang messages at missed calls sa akin ni Evander na bahagya kong kinatawa. Isa rin siya sa dahilan kung bakit ko tine-turn off ang phone ko.

May bago siyang message.

💨:

Hello, may girlfriend ba ako?

Hindi ko alam kung nagpapaka-funny ba siya o ganito lang talaga siya kapag hindi ko napapansin.

Ako:

Mayroon, hindi ka lang mahal.

Binaba ko muna ang phone ko sa table para magligpit ng mga gamit. Maayos kong niligpit ang mga librong hiniram ko at ginilid muna iyon. Pinasok ko naman ng maayos ang yellow pad, ballpens and highlighter sa bag ko.

Muli kong kinuha ang phone ko para tingnan ang reply niya.

💨:

Hell. That hurts.

Natawa ako at nag type ng reply.

Ako:

Haha. Bakit ba kasi? Pauwi pa lang ako, mamaya na tayo mag-usap.

💨:

Actually, I'm outside your school right now. Waiting here.

Sinukbit ko ang bag sa magkabilang balikat at binuhat ang libro. Sa kapal ng mga librong 'to, puwede na magka concussion ang hahampasin ko sa ulo.

Ako:

Nice. Return ko lang mga books. Wait.

Maayos kong binalik sa shelves ang mga libro based on their category. Kinuha ko ang ID bago lumabas at dumiretso sa waiting shed kung saan siya palagi naghihintay kapag sarado na ang open parking lot.

He flashes his front lights repeatedly as if there are tons of cars here and I might get into the wrong one. His car is the only car here right now aside from those passing by.

Kumapit ako sa bag ko bago naglakad patungo sa kaniya. Kusang bumukas ang passenger's seat nang malapit na ako.

"My girlfriend who doesn't love me," nakadungaw niyang sambit sa akin nang tumapat ako sa pinto.

Tinawanan ko lang siya at pumasok na.

"Daan muna tayo sa bookstore, paubos na yellow pad ko."

"Doon na rin tayo kumain," sambit niya.

Weather the Storm (LOTUS SERIES 1)Where stories live. Discover now